Pages

Pages

Wednesday, March 31, 2010

STORY: THE EYES



Lunes. Inaasahan ko nang magiging mahirap para sa akin ang makasakay kaagad sa fx papuntang San Miguel Ave mula sa Altura dahil dagsa na naman ang mga pasahero na nagtatrabaho sa Ortigas. Naglalakad palang ako sa footbridge sa Altura at tumitingin ako sa dakong sakayan ng mga fx, sa isip ko, para atang wala masyadong mga taong nag-aabang. Kaya nama’y lumuwag ang pakiramdam ko na ako’y madaling makakasakay dahil mabibilang ko lang sa isang kamay ko ang mga taong naroroon. Tila nagbabadya ng ulan nang mga oras na yun dahil kapag dakay’, nararamdam ko ang pag-ambon mula sa kalangitan. Di ko inaasahan na aambon o dili kaya’y uulan ng mga oras na yun kaya naman di na sumagi sa isip ko ang magbitbit pa ng panangggalang. Minabuti kong bilisan ang paglalakad ng sa ganun ay makababa kaagad ako sa hagdan.

Nararamdam ko na tila ba’y unti-unting lumalakas ang kanina’y mahinahong pag-iyak ng kalangitan. Mula sa hulihan, nakikita kong unti-unti nang nababasa ang kasuotan ng lalaking nauuna sa akin pababa ng footbridge.

Ilang pang baitang ay nakababa na ako mula sa hagdan at lumiko papunta sa gilid ng kalsada para makiisa sa mga nag-aabang. Nabalot ako ng pangamba ng bumungad sa aking harapan ang ilan pang mga taong nag-aabang ng fx na nakasilong lang sa ibaba ng footbridge dahil sa paglakas ng ambon. Kahit paano’y nahaluan ng pagkadismaya ang naramdaman ko ng mga oras na yun dahil magiging mahirap nga para sa akin ang makasakay kaagad.

Nakisali ako sa mg taong nakasilong at nag-aabang ng masasakyan. Di nagtagal, sa di kalayuan, bumungad sa mga mata ko ang parating na fx at walang sakay na pasahero. Swerte naman! Sa loob-loob ko. Unti-unti ko na lang naramdaman na tumatakbo na ang mga paa ko ng mahinahon papunta sa fx. Ang akala kong mga taong nag-aabang at nakasilong sa may ilalim ng hagdan ay iba pala ang inaabangan na masasakyan. Kaunti lang ang sumakay sa fx ngunit sapat na para bumyahe ang drayber. Ninanis ko sanang sumakay sa unahan ng sasakyan para makatabi ang naunang sumakay. Sa unang tingin ko’y, parang may itsura ang taong yun. Ngunit may mamang talipandas na nauna sa akin at umupo sa tabi niya.

Nabigo akong makatabi ang nilalang na iyon kahit saglit lang. Sinubukan kong sumakay sa gitna ng sasakyan ngunit naisip ko na magiging masikip sa gitna kapag napuno ng pasahero at inalala ko ang telepono at headset ko na nasa loob ng aking bulsa. Maluwang na kasi ang headset ko dulot na rin ng kapabayaan ko at kaunting sagi lang ay matatanggal mula sa pagkakapihit sa telepono.

Kaya naman sa hulihan ako sumakay para hindi masyadong masikip. May isang mamang sumakay, sumunod naman ako. Ilang segundo lang at may isa pang pasahero na sumakay. Sa kabila siya umupo at walang katabi. Ngunit maya-maya pa’t may isang pang pasaherong sumakay at umupo sa tabi niya. Unang malas sa taong sumakay (na sumunod sa akin) ay parang wala namang kakaiba sa kanya o anumang bagay na ikakamangha ng pagkatao ko. 

Ngunit nang siya ay mag-abot ng kanyang bayad at naka-side view, parang may nakita ako sa kanya na pamilyar sa aking ulirat. Madaling rumehistro sa aking isipan ang aking nakita mula sa taong yun. Walang duda, ang kanyang mga mata ay kawangis ng mga mata ng aking minahal ngunit lumisan na sa aking buhay. Nakita ko sa kanya ang alaala namin nung kami ay magkasama - masaya at nabubuklod ng pagmamahal. May kirot akong naramdaman sa aking puso. Gumuhit ang kalungkutan sa aking mukha.

Sadyang mapaglaro ang tadhana sapagkat ang musikang naririnig ko mula sa aking telepono ay gan'to:

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik

[Chorus]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

[Chorus]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
(Sa iyong ngiti)
Sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo...
(Para lang sa'yo ang awit ng aking puso)
Sana ay mapansin mo rin...
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti...

Pahapyaw at pinagmamasdan ko ang mga mata niya. At ang musika ay nagpatindi pa sa emosyon na aking nararamdam ng mga oras na yun.

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin

Di ko mawari ang aking nararamdaman. Di ko napigil ang sarili ko at naramdaman kong tila may butil ng luha ang naghuhumulagpos mula sa malungkot kong mga mata. Wala akong magawa kundi ang maalala ang mga sandaling kasama ko siya. Sa tuwing titignan ko ang mga mata ng nilalang na nasa harap ko, di ko maiwaglit ang mukha ng taong minsan kong minahal ng sobra sobra ngunit kalungkutan at pait ang iniwan ng kanyang paglisan.

Dahil sa mga matang yun, nanumbalik ang sariwa pang alaala sa aking isipan. Ang huli naming pagsasama. Ang mga sandali na kami ay naging masaya. Datapwat, ang masakit ay ang mga mensahe niya ng pamamaalam.

Sariwa pa sa akin ang sugat na kanyang iniwan. Di ko pa naman lubos tanggap sa aking sarili na di na siya babalik. Umaasa pa rin ako na isang araw, may matatanggap akong mensahe sa telepono “Moimoi, asan ka na?” “Moimoi”. Siya lang ang bukod taning tumatawag sa akin ng ganun.

Move on! Move on…

STORY: THE MATH CLASS



When I was in grade four, our school principal used to be our subject teacher in Math. He was very strict and he always gives us quizzes and homeworks. One day, we had a quiz. I had this seat mate named Jonathan to whom I copied my answers because I really had hard time catching the lessons. The principal called somebody to answer on the board. Then he called again another one to answer on the board. The principal asked: "Is it correct class?" I was so keen because my answer was different to that answer on the board. So I asked Jonathan, "What is the correct answer? Is it on the board?" Of course because Jonathan believed to his work, he said to me, "We have the correct answer!" And because I had the faith that Jonathan was indeed correct, I proudly raised my hand to answer on the board. The principal called me and said, "Show your answer on the board." So I did. I went on the board. I erased the first answer and showed to the whole class my answer. Then as soon as I went back to my chair, our principal asked again, "Is it correct class (referring to my answer on the board)?" Shame on me when my classmates said, "No!" The principal explained the computation. At the end, I found out that the first answer on the board made by our classmate was the correct one and I just messed up the board with my incorrect answer from Jonathan. I felt so embarrassed in the class that I had the nerve to protest against the correct answer. I damned Jonathan.

STORY: FLAG CEREMONY



This story happened way back my high school days but I'm not sure of what year I was. Ever since the world begun, I do have a very low resistance against colds so I always suffer from it ('til now). 'Twas morning and all the students were gathered outside for the flag ceremony. The ceremony has just started (Bayang magiliw Perlas ng Silanganan. Alab ng puso sa dibdib mo'y bughaw . . .) then I was not in control when suddenly a mucus bubble formed from my nose (sipon). Yuck! Shame on me. I don't even have a handkerchief during that time.

STORY: LOVE FOR SALE



I’ve just realized that love somehow works like Marketing. Once I was asked if good sellers are really born or made. I replied, “Top sellers are not born, the skill is within and needs to be developed.” In layman’s term, kapag “maboka” ka, mabenta ka. Di ba ganun naman talaga?

Eh paano naman kuno napasok ang Marketing sa love?

Gan’to lang yan kasimple, sa Marketing, mag-iisip ka ng kung anong product ang magiging mabenta, yung uso sa bandwagon o sa fad. In terms of love, you’ll think ano nga bang meron ka na maaaring hinahanap ng iba. Papasok dito yung gasgas na linya na: “Anong katangian ang hinahanp mo sa isang lalake o babae?” Napaka-cheesy lang!

Once you’ve got the product or service that will surely click, the next thing to do is to find out who is your market. Woujoo like to cater the teens, is it for adults, or is it for babies. You will also consider the gender of your market. On the other hand, in terms of love, you have to identify first yourself. Well it’s not a question against you but you have to make sure of who you are and who do you want.

Next are your marketing strategies. These include your conceptualization of the product or service followed by production then branding or advertising which is the most integral process because it is the stage where you need to reach out your market. On the other side of the coin, once you already have your potential boyfriend or girlfriend, you will now think of the ways to get the heart of your special one. Kasama dito yung kabaduyan sa courtship kasi nga magpapa-impress ka. Isama mo na dito yung perang inipon mo para sa date, load para pantext and of course the most important are your flowering words. Mag-iisip ka ngayon ng mga salita ng kabaduyan yung mga tipong: “Di tayo tao, di tayo hayop sapagkat bagay tayo… bagay na bagay!” Eto pa: “Sana posporo ako, at posporo ka, para match tayo!” “May kandila ka ba? Pakitirik naman dito sa dibdib ko kasi ang puso ko patay na patay sayo!” Ang cheesy talaga!!!

Pero hindi dito natatapos ang Marketing. Once your proud products are already in the market, you still need to think of strategies to maintain your product in the market and to maintain your patrons. This works almost the same with love. Hindi porket sinagot ka na nya or nakuha mo na ang pinakamimithi mo eh, tapos na rin. Nope! You have to continue and find other ways para di magsawa. Sige nga ikaw ba naman araw-arawin ng mga cheesy words, baka masapak mo yang boyfriend or girlfriend mo. But of course, both of you should have the qualities to keep your relationship growing and blooming. Andyan yung trust, loyalty, understanding, care and the best of them is flirt, or I say love!

Eh parang ako lang ata to eh. I tried to sell something in the market that I believed it would create a fad. It was successfully launched but then I was not able to have a successful relationship. Guess what, today is just the half of the year but then tatlong beses na akong umiibig and for this time alone, tatlong beses na rin akong nabigo, umiyak, nasaktan at umaasa that my relationship will last for a long time. But I was terribly wronged. Do you think there’s something wrong with me kasi ang mga relationships ko en only last for a month or two. But I beg to disagree my own accusations, because as far as I could remember I did try all my best to handle a good relationship. Well on my first relationship, I understood na at first di naman talaga tama because involved na siya into a relationship but then ako lang ang nag-insist na ok lang. In other word, kabit ako. Masyado lang akong makulit at minahal ang taong yun in spite of the complication na I know from the start, it won’t do anything good for me. Two months din ata kami nun, tapos ako na rin mismo ang lumayo.

Hindi ko lang maalala kung nung January yun nung hinulaan ako ng offismate kong si Mylene. Nuon ko nga lang nalaman na si loko eh marunong pa lang magbasa ng palad. Kahit alam ko ngang para namang di naman kapani –paniwala si Mylene kasi kung kilala mo lang siya eh, siya yung tipo ng babae na walang kaseryosohan sa buhay. Lahat idinadaan sa tawa, sa joke. Anyway, going back to her, talagang kinulit ko rin siya. According to her, “Marami kang makikilala at darating sa buhay mo pero walang tatagal.”

Napakasimple ng hula ng loko. I asked her to tell s’more kasi para namang nakakabitin yun. Eh sabi pa niya, “Mamaya na.” “Oo mamaya uli.” Pero si loko napaka-drawing talaga.

Eh ngayon, para ngang may bahid ng katotohanan yung napakahabang tinuran ni Mylene saken. Pero nagkataon lang siguro na may mga taong makikitid ang utak at mahirap makaintindi ng mga simpleng bagay. Life is simple but they make it too complicated.

Medyo may kahirapan din tong ginagawa ko di ba. Sariwang-sariwa pa saken yung masaklap na kinahinatnan ng pagsisikap ko to have a better relationship and yet I’m writing this stupidity. Pero yun nga, like I mentioned, sadya ngang may mga taong sobrang kitid ng napakaliit nilang utak so that di sila makaintindi.

May second relationship, tumagal lang siya ng two months. Siya pa naman yung walang sabit, I mean wala akong magiging problema. Kasi yung personality nya eh yung may bahid ng seriousness sa buhay. Yung tipong, wow pang habang buhay na to. Asa! Actually wala naman kaming nagging problema lalo na sa third party. Pero ewan ko lang huh! Kasi di ko naman siya nakikita 24 oras. Siya rin kasi yung kakikitaan mo ng loyalty. Kaya nga weeks after week, napanatag yung loob ko na di siya gagawa ng something wrong. Siguro twice or thrice kami nun magkita every week. Dun ako sa kanya natutulog. Alam mo yun, para kaming mag-asawa na. Tawa! Sabay kami at naghahati sa pagkain at sabay matulog.

Pero kung gano siya kaliit, kasi ako 5’11 tapos siya 5’5 or 5’6 lang ata, ganun din naman kakikitid ang pag-iisip nung nilalang na yun. Ayaw nun ng binibiro siya. Takot sa joke! Di ko nga malaman until now kung bakit siya nakipaghiwalay. Ang naaalala ko lang, while I was on a vacation in Albay, tinext ko siya ng; “Hi kamusta ka na?” Nagreply naman siya. Then I texted again nang pabiro; “Baka nyan may iba ka na dyan huh!” Ang anak ng p!?&%@, di na nagreply pa uli.

After a few days pa, nakipagbreak siya saken thru text pero for the last time, nagkita rin kame. Binigay ko yung konting pasalubong tapos kasi nagbayad siya ng utang saken. Eh nangungutang saken yun eh. Kahit in a relationship kame, ganun set up naming dalawa. Sa text siya nagparamdam at unang nakipagbreak. And on that same day din kami nagkita. Sabi nya di na nya raw kaya yung ugali ko. Anong masamang ugali meron ako? Ang mag-joke? Dahil sa text ko na “Baka meron ka ng iba dyan? Actually kinain ko lahat ng fried chicken ko para lang sa kanya. Nagkita kasi kami nun eh break time ko 6pm to 7pm siya naman out na nya pag ganung oras. After ng shift ko, nagmamadali ako papunta sa C5 para puntahan siya. Naka-lock yung main gate sa baba. Nagtetext ako ng pagkadami-dami , tinatawagan at nagmamakaawa para pagabuksan ako ng gate pero ang p%$&*@ tumigas kaagad na parang bato. Di nagrereply at nag-cannot be reached pa. May pasalubong pa naman ako nun para peace offering. Ako na nga lang ang nagpakumbaba (kasi nga magkaiba kami ng level ng IQ hahahahahaha, mas nakakaintindi ako ng mas maraming beses kesa kanya… bitter?) Kaya ang ginawa ko kasi wala na akong choice, I pressed the button para mag-door bell. Medyo kilala na rin ako ng mga kapitbahay niya kasi nakikita ako everytime I went sa bahay niya. After several ring, a lady looked me down from their window and said; “I-text mo siya baka wala dyan.” Then suddenly yung anak ata yun ng isa pa nyang kapitbahay went down from the stairs and unlocked the gate for me. When I went up, bukas yung pintuan ng unit nya. Ang %$#?& talagang walang balak na babain ako. So I entered the room and nakita ko siya andun sa kama at hawak and cellphone nya. Nung makita nya ako, tanong agad sya ng; “Bakit andito ka?” Toinks!!! Sobrang kapal ng mukha!

At the end of that fucking night, wala. Wala ring nangyari. I asked for another chance pero sabi nya; “Ganun din yun. Ayoko na!” Siya pa may lakas ng loob after I did all my effort and wasted some money. Hahahaha!

Just rececently, nakipagbreak din ang pangatlo kong syota. Naks! Ako na lang ang iniiwan lagi. Ako na lang ang malungkot. Ako na ang looser! Compare with the second %$#?*&, mas kupal ata tong pangatlo. Mas makitid, napaka-immature. Honestly speaking, wala akong mahihita sa ^%$#* na yun. For the record, nagkakilala kami thee years ago pa at nagkabalikan lang last month. Mas masakit pala kapag niloko ka for the second time. Eh anong magagawa ko, “hahamakin ang lahat masunod ka lamang” Oh di ba tama? Going back, yun nga. Like I mentioned, wala akong mahihita sa kanya. Sa tanda ko, isang MRT ticket lang ang nailibre nun saken – mula Ayala papuntang Cubao; kung di ko pa siya sinabihan na ilibre naman nya ako. Di ba kupal tawag dun. Ako naman kasi may pagkagalante rin minsan. Hahahahaha! Eto pa, mas malandi pa ata to kesa mga pokpok dyan sa Cubao at mas makati pa kesa gabi. Akala mo kung sino, eh mukha namang nagka-polio nung bata.

Hala tawa! At least on this lil way, I could revenge myself and release the emotion within me. Ako rin kasi yung tipo ng tao na I’d rather keep the feelings by my own rather than sharing with somebody. Loner din kasi ako when I was in grade school, high school and even in college.

Sabi nga ni Kuya Marlon, masama raw na sarilinin ko lang mag-isa ang lahat ng emotions. Kelangan ko raw ilabas baka ako sumabog.

It’s true that God won’t give everything to a person. I never had much luck with lovers but thank God I do a good career right now! This is still something I need to be thankful.

Rather than drowning myself to the quicksand of sadness, depress and misery, here I am working so hard and finding ways to forget the past.

I must love myself first before loving another person. Indeed!