Pages

Pages

Thursday, June 23, 2011

SWEET YELLOW CRACKERS


On June 21, while I'm having my lunch together with my colleagues, somebody entered the pantry. I looked at my back and behold! The one who entered was the-one-who-makes-me-happy.

Binati ko siya at tinanong; "Kumain ka na ba?" Sagot naman niya; "One (1:00 pm) pa break ko." Pabiro ko naman siyang inalok; "Gusto mo ibili na lang kita ?" May pagkain naman daw siya, sagot niya.

Sa isip ko, malamang nagugutom na siya. May hawak siyang dalawang balot ng crackers na kulay dilaw (di naman niya break, ayun kakain ata). 


To my surprise, inalok niya ako. "Gusto mo?" Sabay abot ng isang balot ng crackers. Ako lang inalok niya. Sa isip ko, patawa 'to, kumakain na nga ako, ako pa aalukin. Sabi ko naman; "Sige huwag na." Ayun, tuksuhan tuloy sa loob ng pantry. Ako lang ata nakikita niya, may mga kasama naman akong kumakain. Nahiya naman tuloy ako.

Sa galak ko, kinuha ko naman yung inialok niya at nagpasalamat. Kinain niya yung isang balot at ilang minutong nanatili sa loob at nakipagkwentuhan.

Bago nito, noong isang araw, June 20, kinonfirm niya yung friend request ko sa kanya sa facebook.

No comments:

Post a Comment