Pages

Pages

Friday, July 22, 2011

HULYO DIECISEIS: ANG SINE, ANG BLOOD TEST AT ANG GASTRO (USAPANG PUSO SA PUSO PART VIII)





Hiniling kong walang pasok sa araw na ito para makapanuod ng ikalawang bahagi ng Harry Potter and the Deathly Hallows. Hulyo quince ang unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan (na siya namang alam ko) ngunit mas naunang ipalabas ito sa Maynila ng isang araw. Hulyo catorce pa lang, pinilahan na ang nasabing pelikula sa mga sinehan ng Maynila. Maraming tao ang nag-aabang sa pelikulang ito kaya naman asahan mong sandamakmak ang mga panatikong manunuod nito. Ang Hulyo quince ay Biyernes, ang araw na kung kailan  abala ako sa trabaho. Kaya naman, di ko ninais na manuod sa araw na ito dahil inaasahan kong di naman kaagad ako makakauwi ng maaga. Ayoko rin namang manuod nang gabing-gabi na.

Sina Paul at Leah ang lagi kong kasama kapag manonuod ng Harry Potter. Taong dos mil siete nang magkakasama kami sa isang call center. Ako na lang ang naiwan sa aming tatlo (ngunit may dalawa pa naman akong kasamahan na kabatch namin) at silang dalawa ay pawang nagsipagbitiw na. Datapwat, magmula nang una kaming makapanuod ng Harry Potter sa pelikula, walang pagkakataon na hindi kami nanuod ng hindi magkakasama. Kung tama ang aking pagkakaalala, ang unang pelikula ng Harry Potter na aming napanuod ay ang Order of the Phoenix (ipinalabas noong Hulyo dos mil siete). 

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi matutuloy ang balak kong manuod kami ng Sabado, Hulyo dieciseis. Nauna kong napagsabihan si Leah na manuod kami sa araw na ito. Kahit anong oras naman kasi ay pwede siya basta't maagang ipaalam sa kanya. Si Paul naman, ang alam ko kasi ay wala siyang pasok tuwing Sabado. Sabi ni Leah, may team building daw sina Paul ng Sabado. At hindi rin daw pwede ng Linggo. Di ko rin naman nais manuod ng sine tuwing Linggo dahil sa sandamukal na tao ang naglilipana sa mall sa araw na ito. 

Kaya naman, napagkasunduan na lang namin na manuod ng pelikula sa Hulyo dieciocho, Lunes. Parang nabalewala ang dalawang araw na wala akong pasok (na hiniling ko) dahil hindi naman pala kami makakapanuod kaagad-agad. Hindi ko na rin magawang magprotesta.

Dahil sa mga kaganapang ito, minabuti kong gawin na lang ang blood test ko sa araw na ito. Nabanggit kasi ni doktora na magpasuri ulit ako ng dugo para malaman ang lipid profile ko. Tumataas na naman kasi ang presyon ng dugo ko (sa murang edad na veinticinco). 

Kaya naman humingi ako ng referral kay doktora (ng aming kompanya) para sa nasabing test. Idinaing ko rin na laging tila kumukulo ang tiyan ko magmula pa noong Enero. Nabanggit ko sa kanya na baka pwedeng mapa-ultrasound ako para malaman ang dahilan. 

Maaga akong nagpunta sa St. Luke's Medical Center sa E. Rod Ave. Dito ako madalas magpasuri dahil malapit lang sa'min. Kailangan ng fasting para sa blood test ko. Kaya naman pagpatak ng alas-onse nang nakaraang gabi, hindi na ako kumain at uminom ng tubig hanggang sa magpunta ako ng ospital. 

Kaagad-agad naman akong nakakuha ng request mula sa Medicard. Kaya naman kagyat akong tumalilis papuntang main hospital para makuhanan ng dugo. Ang araw ng Sabado ay hindi naging dahilan para kumaunti ang bilang ng mga tao sa ospital. Marami ang nakapila sa cashier na nasa Pathology, buti na lang at nagpa-charge ako  doon sa cashier na nasa Heart Center ng ospital, walang pila. 

Enero pa ang huling punta ko doon sa Pathology kaya naman nakalimutan ko ang susunod na dapat gawin; kung saan susunod na pipila at ano pa muna ang dapat gawin. Pumila ako doon sa queue na kung saan isinasagawa ang extraction ng dugo. 

Nag-antay ako ng ilang saglit na minuto sa pila. Hindi ko alam ang gagawin. Nagdadalawang-isip ako na ibigay ang request form ko para sa blood test. Buti na lang at nilapitan ako ng isang binibini sa siyang nag-eestima sa mga pasyenteng nandoon. 

Sa totoong lang, iyon ang maganda sa St. Luke's Hospital. Ilang beses na rin akong nagpabalik-balik sa naturang ospital at masasabi kong talagang alaga ka. Hindi lang sa atensyong medikal at mga kagamitan, ngunit pati na rin sa mga simpleng bagay. Ramdam mo ang pagiging magiliw ng bawat empleyado ng nasabing ospital. Hindi ka nila hahayaang nakatunganga sa isang sulok. Kung sa tingin nila ay parang nagugulumihanan ka, walang pag-iimbot na lalapitan ka at tatanungin kung ano ang kailangan mo. Minsan pa'y, sila mismo ang magdadala saiyo sa lugar na dapat mong puntahan. Nanatili na rin ako ng mahaba-habang oras sa Santo Tomas University Hospital, ngunit ibang-iba ang trato sa mga pasyente. Iyon nga lang, sa outpatient department ako ng UST Hospital nagpasuri, hindi tulad ng sa St. Luke's, doon mismo ako sa main hospital. Siguro nga, ganun talaga ang pinagkaiba ng isang pribado at mamahaling ospital at sa OPD. Ang OPD ng Santo Tomas University ay kilala rin bilang isang charity hospital. Ngunit outpatient din naman ako ng magpasuri sa St. Luke's





Ang binibini mismo ang nagdala sa'kin doon sa registration ng Pathology. Naalala ko, na kailangan pala munang magparehistro bago makuhanan ng dugo (na siya namang SOP sa bawat departamento ng nasabing ospital). Ciento catorce ang numerong ibinigay sa akin. Nang mapadako ang paningin ko sa numerong kasalukuyang nasa queue, tila matatagalan ako sa paghihintay. Ngunit sadyang mabilis ang proseso. Wala pang quince minutos at tinawag na ang numero ko. Mabilis din naman akong nakuhanan ng dugo.

Mula sa Pathology, bumalik ako sa Cathedral Heights Buiding para naman magpasuri sa isang gastroenterologist. Ayon sa Medicard, alas-deiz ng umaga bukas ang klinika ng doktor. Nang dumating ako sa labas ng klinika, may nakapaskil na bukas ang klinika mula alas-nueve hanggang alas-doce. Mga ilang minuto nang nakakaraan makalipas ang alas-nueve.

Nagdalawang-isip akong kumatok o pumasok sa loob. Umupo ako sa labas at nakita ko mula sa siwang ng pinto na may liwanag ng ilaw sa loob. Nagpapahiwatig na bukas ang naturang klinika. May mga nakahimpil na ring mga pasyente sa labas. Naghihintay rin sa doktor. Naghintay ako ng ilang minuto. Maya-maya pa'y may lumabas na tila isang pasyente at tila assistant o sekretarya. Ilang segundo lang at nangahas na akong pumasok sa loob. Sinabi ko ang aking sadya, pinarehistro ako (numero doce) at pinasulatan sa akin ang isang information sheet. Bumalik ako sa labas. Ilang sandali pang nag-antay. Narinig ko mula sa sekretarya na wala pa nga ang doktor. Alas-diez pa ang dating. 

Medyo kumain ng mahabang oras ang aking paghihintay. Maya-maya pa't may isang ginoo na naglalakad sa pasilyo patungo sa loob ng klinika. Marahil ang ginoong ito ang doktor. Hindi siya unipormado ngunit banaag sa kanyang suot na pang-itaas na alagad siya ng medisina.

Mahaba-habang oras pa ang aking binuno sa paghihintay. Marahil isa at kalahating oras na ang nakakalipas. Lubos ang aking kasiyahan ng sa wakas ay tawagin ang aking pangalan. Kung gaano katagal ang ginawa kong paghihintay, ay siya namang bilis ng konklusyon ng doktor. Tinanong niya lang ako kung bakit ako magpapasuri. 

Una kong napansin na tila kumukulo ang aking sikmura noong buwan ng Enero. Nasa pang-gabing shift ako noon. Hindi pa ito ganoon karamdam. Marahil nalilipasan ako ng gutom dahil tulog ako maghapon kayat hindi na ako nakakakain ng pananghalian. Pakiramdam ko nga ay tila gutom ako lagi. Ramdam ko rin noon na tuwing nakaupo, tila may nakaharang sa aking tiyan. Kailangan kong umupo ng matuwid para maginhawahan ako. Ngunit hindi ko ito masyadong pinansin. Hanggang sa nitong buwan ng Hunyo at Hulyo. Madalas na ang pagkulo ng aking sikmura at medyo napapalakas ang tunog. Pakiramdam ko ay may ulcer ako. Humihilab ang tiyan at parang laging gutom at sinisikmura. At kapag yumuyuko ako, tila may nakaharang sa aking tiyan. Marahil ilang linggo ang lumipas at nawala yaong pakiramdam kong may nakaharang sa aking tiyan tuwing nakaupo o yumuyuko. Marami na rin akong sinubukang inumin araw-araw tulad ng sterilized milk at Yakult. Sinubukan ko na rin ang Diatabs at Omeprazole (na may kamahalan ang halaga). Maging sa pagdumi ay may napansin akong pagbabago. Minsan pawang hangin lang ang lumalabas o kaya naman ay likido. Ngunit nabahala ako ng tila putol-putol at maliliit na dumi ang simulang ilabas ko. 

Sabi ng doktor at ayon na rin sa kanyang isinulat sa papel, irritable bowel movement syndrome ang aking nararanasan. Ngunit ipinayo niya rin na isagawa ko ang barium enema para makasiguro.

Bumalik ako sa Medicard para makakuha ng request para sa gagawing barium enema sa akin. Bumulaga sa akin ang maraming taong nasa labas ng Medicard at nakapila. Tanghali nang mga oras na iyon at marahil ay matatagalan pa ako dahil sa dami ng mga taong naroroon. 

Nang sa wakas ay makuha ko ang request form, mabilis akong bumalik sa Xray ng main hospital at nagparehistro. Nang tawagin ang aking pangalan ng isang medical staff, tinanong niya ako kung kailan ko nais gawin ang barium enema. At dahil wala naman akong ideya sa nasabing pamamaraan, hindi ako nagdalawang-isip na sumagot na kung maaari ay sa araw na iyon mismo. Sumagot naman ang binibini na bago iyon gawin, may ipapainum silang gamot sa akin at kailangan din ng fasting. Sinabi ko na lang na kung maaari ay kinabukasan tutal wala pa rin akong pasok. Ipinaliwanag niya rin sa akin ang mga dapat at hindi dapat gawin. 







Ang magnesiem citrate ay mabibili lamang sa St. Luke's pharmacy. Nagkakahalaga itong Php 103.32 samantalang ang Laxatrol sa kanila ay nagkakahalagang Php116.76. Kung sa labas ka bibili ng Laxatrol, naglalaro ito sa Php69.00. Sinubukan ko kasing bumili sa isang generic drug store ngunit wala pala silang ibinibenta. Sa pinakamalapit namang Mercury Drug sa St. Luke's, wala silang nakaimbak.

Kinagabihan, oatmeal lang ang kinain ko. Sinubukan kong uminom ng maraming tubig bago pa man maghatinggabi. Ininom ko rin ang dalawang gamot na inireseta sa'kin; ang Laxatrol at ang Magnesium Citrate.

6 comments:

  1. Unequivocal side effects Clomid may cause include soul tenderness, hot flashes, nausea, mood swings and some other ones that order stop once you stop taking Clomid. To whatever manner, considering the fact you only need to use buy clomid no prescription for 5 days your salubriousness care provider may recommend sticking to the original trite and completing the treatment in spite of the side effects mentioned heavens.

    ReplyDelete
  2. To whatever manner, considering the fact you only need to use Clomid for 5 days your salubriousness care provider may recommend sticking to the original trite and completing the treatment in spite of the side effects mentioned heavens.

    ReplyDelete
  3. The patient of the valium develops dependency to this then cure that is limited to take to the retirement symptoms. In rank to serve the highest advantage as the buy cheap valium no prescription to the patients it is recommended to be stated individualized. It is the vanquish one than the patient is determined periodically by the doctor if she takes the valium.

    ReplyDelete
  4. The patient of the valium develops dependency to this then cure that is limited to take to the retirement symptoms. In rank to serve the highest advantage as the buy cheap valium no prescription to the patients it is recommended to be stated individualized. It is the vanquish one than the patient is determined periodically by the doctor if she takes the valium.

    ReplyDelete
  5. Ambien has been reported to kibitz with certain drugs that you may be enchanting. Even if this is a girl surgery, you need to intimate the fact of taking Ambien. Contribute to sure your surgeon knows you are fascinating Ambien this may touch the choice of drugs during the day-to-day business. Make sure you let your doctor cognizant of if you are taking or buy ambien no prescription to imbibe antidepressants, medications for longing, cold medications, allergies medications, sedatives, deranged illness drugs, sleeping pills, tranquilizers, rifampin, possession medications, or sertraline.

    ReplyDelete
  6. Contribute to sure your surgeon knows you are fascinating Ambien this may touch the choice of drugs during the day-to-day business. Even if this is a girl surgery, you need to intimate the fact of taking Ambien. Ambien has been reported to kibitz with certain drugs that you may be enchanting. Make sure you let your doctor cognizant of if you are taking or intend to imbibe antidepressants, medications for longing, buy zolpidem online pharmacy, allergies medications, sedatives, deranged illness drugs, sleeping pills, tranquilizers, rifampin, possession medications, or sertraline.

    ReplyDelete