Sunday, June 1, 2008

NAGKATAON NGA LANG BA O SINADYA?



I read this article published on a tabloid about the 911 terrorist attack in NY. The story goes like this:


NAGKATAON NGA LANG BA O SINADYA? LIHIM NG 9-11, NABUNYAG
ni Jaypee Manosa

Halos pitong taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin ang alaala ng lahat ang pangyayari noong Setyembre 11, 2001 terrorist attack kung saan kumitil ng buhay sa mahigit 3,000 katao sa New York. Sa kabila ng kagimbal-gimbal na pangyayaring ito, may mga ilan pa ring kaganapan sa nasabing trahedya na lalong ikagigimbal ng lahat.

Kung susumain, ang New York ay may 11 letra at ang lugar ding ito ang ikalabing isang estado sa Amerika. Ang bansang Afghanistan ay meron ding 11 letra habang ang presidenteng si George W. Bush ay 11 din ang bilang ng letra ng kanyang pangalan at apelyido.

Ang una namang eroplano na bumangga sa Twin Towers ay may pangalang Flight Number 11. Ang Flight 11 ay may lulan na 92 na pasahero (9+2=11). Ang ikalawa naman na sumalpok din sa nasabing gusali ay Flight 77 na may lulan na 65 pasahero (6+5=11). Ang trahedyang ito ay naganap noong ika-11 ng Setyembre, taon 2001. Ang nasabing araw ay ika-254 na araw sa kalendaryo (2+5+4=11). Katumbas ng hotline sa Amerika na 911, ang petsa ng terrorist attack.

Tatlong taon matapos ang insidente, muling umatake ang mga terrorist sa Madrid at doon naganap naman ang Madrid bombing noong Marso 11, 2004. Ika-911 na araw matapos ang terrorist attack sa NY. 

Samantala, ang knikilala namang simbolo ng Amerika bukod sa stars and stripes ay ang agila. Ganito naman ang mababasa sa isang talata sa aklat ng Quran ng Islam: "For it is written that a son of Arabia would awaken fearsome eagle, he wrath of the eagle would be left throughout the lands of Allah abd lo, while some of the people trembled in despair still more rejoiced for the wrath of the eagle cleansed the land of Allah abd there was peace." Ang nasabing berso ay sa hango sa Quran 9.11.

Bilang pangwakas, kapag binuksan ang computer at ipasok sa Microsoft Word, i-type ang Q33NY (ito ang flight number ng unang eroplanong sumalpok sa Twin Tower) at i-highlight ito, palitan ang font size sa 48 at palitan ang font ng WINGDINGS, lalabas ang ganto Q33NY (simbolo ng isang eroplano, dalawang gusali, ang simbolo ng bungo ng kamatayan, at ang Star of David).

Bakit ang lahat ng ito'y nagkakaroon ng kaugnayan? Nagkataon lang ba o sadyang noon pa man, meron nang itinala hinggil sa mga mangyayari?

No comments: