Friday, August 22, 2008

STORY: CLASSMATE IS CRUSHMATE



May 2005 when I enrolled BS Accountancy at AMAU QC. I was a graduate of Computer Accountancy from ACLC (Iriga City) and I continued for a degree at the main school. Unfortunately, I haven’t finished my studies yet. While I was working from 6am to 2pm as a Data Encoder in West Ave, I was attending my classes from 3pm to 7pm depending on my schedule.

I had this subject Marketing Management for the first trimester and I had this one classmate whom I revered most (sobra).

Every week, we only have two sessions for the said subject. Hindi naman karamihan yung naka-enroll on that subject at di naman lahat pumapasok kaya nga di ko rin masyadong kilala ang mga classmates ko. Natapos ang Prelims and parang di ko yata nakita ang lahat ng classmates ko sa Marketing Management. Papasok lang ata kung gusto nila. Ganun ata sila, parang balewala lang at ang mga professors eh parang sanay din ata sa ganung situation. May mga classmates nga ako na nakita ko lang ata sa class after ng Prelims.

At dito nagsisimula ang kwento…

A week after the Prelims exam.

Mga ilang minuto na lang, start na ng Marketing class namin. We noticed na may ibang class na on-going dun sa room namin na usually naman vacant talaga before our class. Closed-door ang mga rooms sa department na yun kaya dun kami sa labas ng room (sa hallway) nag-antay til lumabas sila. Nakakainip mag-antay sa hallway. Yung katapat na room namin, vacant pala kaya pansamantla while we were waiting na matapos sila, dun muna kami pumasok at nag-antay. May medyo ka-close na rin akong classmate dun kaya pahapyaw nag-uusap kami. Little I know na may mga classmates na rin pala kami dun sa vacant room na yun na nag-aantay aside from us. Then I noticed a certain person. Wala naman extraordinary sa kanya pero parang na-curios ako sa kanya. Di ko kasi masilayan ang mukha nya. Isa lang napansin ko sa kanya, mahaba ang kanyang buhok, yun lang. I couldn’t exactly remember pero parang kinausap niya ako. Parang tinanong niya ako kung same class kami ng Marketing. Dun ko nakita yung mukha niya. Sa unang pansin, parang wala namang kakaiba sa kanya, I mean yung physical attributes niya para ma-attract ka kaagad sa kanya. Pero on that moment, parang gustong-gusto kong titigan ang mukha nya para masuri ang kanyang kabuuan.

Marketing class.

Confirmed nga na yung nasa loob kanina ng vacant room, classmate ko rin pala sa Marketing. Yun ata ang unang pagkakataon na nakita ko sa siya sa Marketing class namin. Sa madaling sabi, very rare siyang pumasok.

Isa sa kapansin-pansin sa kanya ay ang pagiging tahimik niya. Di siya magsasalita kung di mo siya kakausapin. At kung nasa class, uupo siya sa hulihan o kaya sa gilid na gilid. Ewan kung talagang mahiyain siya o sobrang tipid lang nyang magsalita. Habang lumipas ang mga araw ng klase namin, parang napansin ko, may itsura pala ‘tong taong ‘to. Cute naman pala siya. Mahaba ang buhok, cute and ilong at labi, singkit ang mga mata at malusog ang katawan. Gusto ko sa kanya pag nakangiti siya pero madalang din siyang nakikita kong naka-smile. Sa pagkakakilala ko sa kanya, by nature talagang mabait siya, mahinahon, at madaling kausap, pag may favor nga ako, pinagbibigyan ako, akalain mo yun.

Sa madaling sabi, nagkagusto talaga ako sa kanya pero di niya alam at di ko rin naman inamin. Ewan kung nakaramdam siya na gusto ko siya. Pero may isa akong classmate na nakahalata ata, napansin niya siguro na gusto ko laging makasama yung classmate namin na yun. Nariyan yung tinukso niya ako at hugas-kamay naman ako na wala akong gusto.

Gusto ko siya laging makasama kahit sa school man lang. Kahit ilang oras lang. Basta pakiramdam ko masaya ako pag kasama ko siya. That time, nauso ang kanta ni Nina na LOVE MOVES, kaya nga gustong-gusto ko nun yung kantang yun. Tamang-tama talaga.

Naging madalang uli siya sa pagpasok sa klase. After nung unang makita ko siya sa Marketing class, bihira ko na ulit siyang makita. Hanggang sa may sinabi ang prof namin tungkol sa isang project for Finals. We need to group ourselves for the project. The project was – we need to make a marketing plan for a company. The day we had the groupings, absent siya. Yung isang group eh dapat may three or four members lang and my group was already completed.

Next meeting namin for the Marketing class (after we had the groupings), lumipat kami ng room na located sa ibang department. Sabi ng prof namin, di na kami magkakaroon ng lectures in every meeting. Instead we will use the time for the project kaya dapat a-attend pa rin ng class.

Nasa labas kami ng room ng groupmates ko at nag-uusap regarding the project. May isang classmate ako na lalaki (pero di ko siya ka-grupo; paminsan-minsan nakakausap ko rin siya kaya medyo ka-close ko rin) at sa kanya ko nalaman na andun pala yung crush ko. Kasi nga pala-absent siya kaya wala siyang ka-grupo. Sabi pa naman ng prof namin, bahala na yung mga absent the day we had the groupings na gumawa ng grupo nila. Kaya naawa ako sa kanya kasi alam ko kung mapupunta siya dun sa mga yun, tiyak, walang mangyayari sa kanya. Kaya nilapitan ko siya at kinausap. Sabi ko sa kanya na kumpleto na grupo ko pero sabi ko na kakausapin ko si Sir baka pumayag na mapunta siya sa grupo ko.

Pinuntahan ko yung prof namin sa faculty para makiusap at pumayag naman. Napasali siya sa grupo ko. Ang saya saya lang! Tapos usap-usap kami kung pano gagawin ang project namin. Tapos kuhaan kami ng mobile number. Wahahahaha saya ulit kasi nakuha ko rin sa wakas ang number niya. Dun kami nagsimulang maging textmate.

Mga ilang araw pa ang lumipas may nabuo na akong idea kung pano gagawin yung marketing plan namin. Sa totoo lang, parang ako lang ata gumawa ng lahat. Pero sabi ko nga sa kanila, ako na ang bahala.

Sa mga ka-grupo ko, sa kanya lang ako halos nakikipag-communicate about the project at sa kanya rin lang ako humingi ng tulong. In a very short span of time, dahil sa project, naging close kami.

Isang araw, I was free from work and from school, sinimulan ko yung marketing plan namin. Ipinapaalam ko sa kanya lahat. Isang ink refiller ang napili ko para gawan ng marketing plan. Di mahirap kasi unang-unang sa harap lang ng office namin kung saan ako nagtatrabaho at di masyadong complicated ang management. Nakuha ko yung mga data that we need for the plan. The next meeting namin, pinakiusapan ko siya na kung pwede i-print niya yung other information sa website ng company na gagawan namin ng marketing plan since may internet naman pala sila. Sabi ko sa kanya ibigay na lang sakin next day kasi may pasok naman ako at magkita na lang kami.

The next day, ng nasa school na ako I received a text galing sa kanya na pauwi na raw siya at iniwan na lang daw niya yung mga papers sa room. Disappointed talaga ako kasi di ko siya nakita. While I was aboard along Munoz, nagmiscall pala siya saken. Hinanap ko pa yung ginawa niya sa classroom, itinago pala niya sa table.

One week na lang ata nun, submission na ng marketing plan namin. Aside from the hard copy, kelangan pa ng presentation sa class ng plan. Kahit paano, I already had all the information to complete the plan, all we need to do is to encode the plan. Pinag-usapan na namin kung papano gagawin at saan gagawin yung project. Nung una, walang gustong mag-volunteer kung saan gagawin. May kanya-kanyang alibis. Kahit ako di pwede kasi wala naman akong pc. May isa sana kaming ka-grupo na pwede kaso parang sobrang layo niya. Yung sa kanila, kasi may pc naman sila, may internet pa nga, sabi ko sa kanya, sa kanila na lang gawin. Alanganin pa siyang pumayag. Wala rin kaming napagkasunduan.

Kaya naman kinagabihan ata nun, magkatext kami. Sa text ko siya kinulit ng kinulit. Sabi ko, sa kanila na lang gawin. Taga Meycuayan, Bulacan nga pala siya. Malapit lang kaya siya ang pinilit ko ng pinilit. Todo tigas din siya sa pagtanggi. Dami rin niyang alibis. Una sabi niya, maingay daw sa kanila. Pangalawa, madami raw silang magkakapatid. Basta raw di pwede. Kung tigas siya sa pagtanggi, mas matigas ako sa pangungulit. Kung anu ano rin ang ginawa kong alibi para mapa-oo siya. Sa wakas, wala siyang nagawa, napa-oo ko rin siya. Kinabukasan ang usapan namin, after ng class niya, magkasama kaming pupunta sa kanila sa Bulacan para gawin yung project. Nagtagumpay ako!!!

May dahilan kung bakit gustong-gusto ko na gawin yung project namin sa kanila. Unang-una, kasi nga may gusto ako sa kanya. Pangalawa, gusto ko siyang makasama. Pangatlo, gusto kong makapunta sa kanila para makilala siya ng lubusan at para makilala na rin ang family niya.

Kinaumagahan.

Tanghali, nagtetext pala siya sakin, di ko siya kaagad nareplyan. Kaya naman, akala ata niya wala akong load, nag-share ba naman saken ng load at tinawagan pa niya ako. Ang nakakatawa pa, biglang urong siya sa usapan namin na dun sa kanila gawin ang project. Todo uli siya sa alibi, mas makulit ata ako. Kahit sa phone, kulitan kami, mas makulit ako kaya ako ulit nanalo laban sa kanya. Kaya dun ako lalong na-curios kung bakit sobrang ayaw niyang makapunta ako sa kanila. Ano naman masama dun, gagawa lang naman kami ng project. Usapan namin magkikita kami sa SM North after ng class niya. Sabi ko dun na lang sa may Starbucks kasi wala ako masyadong alam na pwedeng meeting place. Sabi ba naman niya, huwag daw dun kasi nakakahiya. Kakaiba talaga siya, anu naman nakakahiya dun sa may Starbucks? Sabi niya, dun na lang daw sa may National kami magkita. Ayun nga, dun sa may harap kami ng National nagkita. Pagkatapos di ko alam kung saan niya balak puminta, sumunod lang ako sa kanya, sa food court kami napunta. Dun kami nag-usap. Ang tindi niya sobra. Hanggang sa mga huling sandali, umayaw ulit siya na sa kanila gawin yung project. Waaaaahh grabe na siya. Kung makatanggi akala mo may sikretong mabubulgar kapag nakapunta ako sa kanila.

Because I was so desperate na makasama siya, pinilit ko siya ng pinilit. At the end, wala siyang nagawa kundi ang pumayag. May sakayan naman pala ng fx papunta sa kanila mula sa SM North. Malay ko ba, kaya sumunod lang ako sa kanya.

Habang nasa biyahe kami, nagkukwentuhan kami. Sumakay kami sa likod, magkaharap kami, sayang di kami magkatabi. Sabi ko sa kanya, may kapatid ako sa Balagtas pero dalawang beses pa lang akong nakakapunta kaya di ko rin masyadong alam kung paano makakapunta galing sa kanila papuntang Balagtas. Habang nagkukwentuhan kami, may mga nalaman ako sa kanya.

Galing pala siyang PSBA Manila, limut ko lang kung anong course niya. Dun siya unang nag-college pero dahil failing grades ata siya, inilipat siya ng school. Dun ako naawa sa kanya. Pangalawang course na ata niya yung sa AMA. “Kasi naman”, sabi ko sa kanya, “siguro kasi di ka pumapasok sa mga classes mo at di ka nag-aaral.” Awang-awa talaga ako sa kanya. Sabi ko pa, “Sa marketing class nga, madalang kang pumasok.” Reason naman niya, kasi raw halos lahat ng subject niya during that trimester morning, yung Marketing lang ata ang afternoon class niya. (Nung tinanong ko siya kung saan siya kumakain ng lunch, sabi niya, umuuwi siya lagi ng Bulacan everyday just for lunch. Nagulat talaga ako. Akalain mo yun, gastos lang niya sa pamasahe. Grabe! Sabi pa niya kasi naman daw, after ng morning classes niya wala na siyang ibang subject, meaning after lunch, kasi 4pm ata yung Marketing namin, vacant siya ng 4hours, ano nga naman ang gagawin niya during that hours. Tapos babalik siya uli galing sa kanila para lang um-attend ng isang subject. Kakaawa ng sked niya di ba?) Tapos di pa pala siya nag-eexam ng Prelims sa Marketing. Ako na mismo nag-advise sa kanya. Para akong magulang o kapatid na pinangaralan siya. Sabi ko sa kanya, mag-exam siya ng Prelims next week kunsabagay, sobrang bait naman si Sir Mike. Sabi ko pa, ipapahiram ko sa kanya yung booklet ko (may blue booklet kasi kami na ginagamit at binibili sa school that serves as answering book sa exam) para mapag-aralan niya.

Sa tingin ko, di naman siguro siya talaga mahina, di lang siya pumapasok sa mga classes niya at di nag-aaral. Parang happy go lucky kasi siya, parang balewala lang sa kanya ang pag-aaral. Kaya nga nag-alala ako nun sa kanya, kung pano siya makakapasa.

Pero habang lulan pa kami ng fx, naasar ako sa kanya. Kahit di niya sinabi sakin na di ako pwedeng matulog sa kanila at kelangan kong umuwi kapag gabi na pero yun ang dating saken. Kasi gan’to ang nangyari:

Naikwento ko nga sa kanya na may kapatid ako sa Balagtas. Siguro inakala niya, dun ako uuwi kapag gumabi na. Pero sinabi ko sa kanya na di ko alam kung saan ako sasakay. Kaya naman may tinext ata siya at nagtanong siya kung pano ang way papunta dun tapos sinabi niya saken. Pakiramdam ko tuloy nun, gusto niya kaagad akong umalis sa kanila.

Dumaan kami sa NLEX. Maya’t maya pa’y, bumaba na kami. Di ko alam yung lugar kasi first time kong makapunta ng Meycuayan. Dumaan kami sa St. Michael subdivision (ata yun) tapos bumaba kami sa may BPI branch. Parang subdivision din ata yung place nila tapos sumakay kami sa tricycle, magkatabi kami at dikit na dikit. Habang sakay kami ng tricycle, nung papalapit na kami sa kanila, pangiti niya akong sinabihan na kung tatanungin daw ako sa kanila kung OK naman siya sa school at kung pumapasok siya, sabihin ko raw “oo”. Kinuntsaba pa ako. Napangiti lang ako sa kanya.

Maya’t maya pa, bumaba na kami. Huminto kami sa tapat ng bahay nila. Bandang hapon na yun, tahimik at wala masyadong tao sa paligid. Lumakad na kami papasok sa bahay nila. Maganda ang bahay nila, makikita mo na nakakaginhawa sila sa pamumuhay. Ate niya ang bumukas ng pinto.

Di ko na halos matandaan ang mga sumunod na pangyayari. Ang natatandaan ko na lang mga ilang minuto ang nakalipas, pinapasok na niya ako sa isang kwarto, parang computer room nila. Tapos nung pumasok na siya ng computer room, nakapambahay na siya, naka-short at white t-shirt. Pinapasok niya rin ako sa kwarto niya (lakas). Ok din yung kwarto niya, may sarili siyang tv, malaki nga, may cable rin.

Sa lahat ng alibis na ginawa niya para di matuloy ang pagpunta ko sa kanila, ni isa walang totoo. Tatlo lang silang magkakapatid at siya ang bunso. Yung father nila ay isang Accountant at ang mother nila ay nagtatrabaho sa PAG-IBIG ata yun. Maganda ang bahay nila. Halatang nakakariwasa sa buhay. Pero ang maganda pa, mabait yung parents nila, di ko masyado napansin yung dalawa niyang kapatid.

Nung nasa loob ako ng kwarto niya, dinalhan niya ako ng snack. Tapos nanood saglit ng tv. Ibang-iba siya nung makasama ko siya sa bahay nila. Kung sobrang mahiyain siya sa labas lalo na sa school, nung andun ako sa kanila, ok naman siya. Kinakausap niya ako at ang nakakatuwa pa, pag tinatawag siya sa kanila, lalo na ng ate niya, complete name talaga, di man lang siya tawagin sa nickname.

Lumipas pa ang mga oras, pumunta na kami sa computer room para umpisahan ang project namin. Dumating na rin pala ang parents niya mula sa trabaho. Paminsan-minsan iniiwan niya ako mag-isa dun sa computer room. Ewan kung ano ginagawa niya. Habang wala siya, pumasok ang nanay niya. Nakapambahay na at may inayos ata dun sa computer room, mga labahan ata yun. Tapos kinausap ako ng nanay niya. Tinanung ako kung ok naman ba raw sa klase yung anak nila. Gaya nga ng bilin niya saken, um-oo naman ako sa nanay niya. Sabi pa ng nanay niya, ako na raw bahala sa anak nila sa school. Wow naman!

Medyo nagkaroon kami ng problema habang ginagawa namin yung project. Di maka-connect sa internet yung pc. Wala pa naman akong alam sa mga ganun. Buti siya may alam sa ganun kahit konti. Pati tatay nga niya nag-alala na rin kaya pumasok din dun sa computer room. Kailangan naming mag-internet para maka-access kami sa website sa company profile ng gagawan namin ng marketing plan. Kaso talagang pahirapan magconnect kaya nagdesisyon siyang mag-internet kami sa labas. Bumabalot na ang kadiliman sa paligid at medyo umaambon pa naman.

Sumakay pa kami ng jeep para lang makapunta sa computer shop at may kalayuan pa man din. Di na namin namalayan ang oras nang matapos kami. Kagat na kagat na ang kadiliman sa paligid ng lumabas kami sa computer shop at bumabagsak na rin ang mga butil ng ulan.

Nang bumalik kami sa bahay nila, nakapaghanda na rin pala ng dinner. Nakakain na rin sila. Nahiya rin naman ako kahit papano kasi makikikain ako sa kanila. Sabay kaming kumain sa utos na rin ng magulang niya. Napansin ko na mahina siyang kumain. Siguro ilang subo lang at tapos na siya. Pagkatapos naming kumain, ipinagpatuloy namin ang ginagawa namin. Minsan salitan kami sa pag-encode pero dahil di ata niya mabasa ang sulat kamay ko, minabuti kong ako na lang ang gumawa. (Maganda ang sulat-kamay niya. Nakita ko handwritings niya at maganda talaga, para ngang di niya sulat-kamay.)

Bago natulog yung father niya, pinuntahan kami sa computer room. Sinabihan kami na magpahinga naman at kung gutom daw kami kumain lang. Bait din ng father niya. Madaling araw na di pa kami tapos, sabi ko kelangang matapos na yun para di na kami mahirapan. Halos patapos na rin kami ng dalawin na kami pareho ng antok. Ilang oras na lang eh sisikat na ang araw. Nagpasya kaming matulog naman muna, kahit ilang sandali. Di ko rin alam nun kung pano at san ako matutulog o patutulugin ba niya ako. (Pero parang narinig ko yung nanay niya na kinausap siya na kung pwede sa kwarto na lang niya ako matulog). Yun nga ang nangyari, sa kwarto niya ako natulog. Panalo! Malaki rin naman ang kama niya pero sa sahig ako natulog. May nakalatag nang higaan sa baba ng kama niya at pinahiram ako ng unan at kumot. Bago pa namn kami tuluyang malunod sa antok, nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto. Maya’t maya pa’y wala na rin siyang imik at nakatulog na rin ako.

Linggo ng umaga.

Masarap matulog sa kwarto niya. Tahimik na tahimik. Kaya naman ng maalimpungatan ako, umaga na pala, akala ko kung nasaang kwarto ako. Ilang minuto pay’ naalala ko na nasa kwarto pala niya ako at nakitulog. Nakita ko siya sa kama at parang tulog pa o nagtutulog-tulugan lang. Di ko maalala kung sino ang unang nagising samin. Mamayapa’y gising na kami pareho. Kumatok yung nanay niya at sabay sabing mag-almusal na raw kami. Pero parang wala siyang naririnig. Bagkus, binuksan niya ang tv at nanuod kami ng palabas. Konting usap habang nanunuod kami ng tv.

Sandali pa’y muling narinig ko ang boses ng nanay niya. Kumain na raw kami dahil kanina pa handa ang almusal. Ayun at sumunod na rin kami. Kami ang unang kumain. At tulad ng dati, kaunti lang siyang kumain kahit na masarap yung almusal nila.

Sa totoo lang di namin natapos yung ginagawa namin. Actually gusto ko sanang tapusin nung umagang yun para makasama ko pa siya ng mas matagal pero parang gusto na niya rin akong paalisin, asar lang. Sabi niya siya na lang daw gagawa nung di pa tapos. Nagdesisyon na rin akong umuwi para maaga pa. Wala sa hinagap ko na ihahatid ako. Sa totoo lang di ko rin nun alam kung paano ako makakauwi. Kaya naman nagpasya yung father niya na ihatid ako. Ang nangyari, inutusan siya ng father niya na magbihis para maihatid ako. Inihatid nila ako gamit yung sasakyan nila. Ibinaba nila ako sa sakayan ng fx mula dun sa McArthur papunta ng North ata yun o Cubao.

Tanghali na ng makarating ako samin. Naglalakad pa ako papunta sa samin, nagtext na agad ako sa kanya na nakauwi na ako. Nagreply naman siya.

Natapos ang presentation namin at buti naman pumasok siya nung araw na yun. Sabi niya saken di na raw siya a-attend ng presentation. Pinilit ko talaga siya ng pinilit na pumasok sa araw na yun.

May mga pagkakataong magkasabay kaming umuwi kung pareho na kaming walang klase. Ang saya lang talaga pag ganun. Minsan nagkaroon ng isang program sa school. Di ko nga exactly alam kung para saan yung program na yun pero may ticket na ibinenta samin. Kahit kagagaling ko pa lang nun sa sakit at maulan pa, pumasok ako kasi attendance is a must para sa Statistics class namin at siyempre para makita ko rin siya. Nagkita nga kami sa school at nagkasama. Niyaya ko siyang manunod pero ayaw niya. Para ngang di siya mahilig sa mga ganun. Uuwi na lang daw siya. Nagpaalam siya na uuwi na. Nauna na siyang umalis. Pagkatapos kong makapag-attendance, agad akong tumalilis para hagilapin siya para makabasay siya pauwi. Buti na lang at nahabol ko siya kahit na umuulan.

Mabilis ang pagdaan ng mga araw at patapos na rin ang first trimester. Nung Finals namin, usapan namin na magkatabi kami sa upuan kung makakalusot para mapagaya ko siya ng mga sagot ko. Pero bago pa man ang scheduled time for our exam for Marketing, parang medyo naasar ako sa kanya. Parang di ata niya ako nun kinakausap. Asar talaga ako. Kaya ako rin, di ko siya masyadong kinausap. Tapos pumasok na kami sa room to take the exam. Sabi ko sa kanya, kung saan ako umupo, sumunod lang siya para magkatabi kami. Pero taliwas sa inaasahan ko ang nangyari. Magkalayo kami. Ewan pero di ko na kasi maalala kung anong twist ang naganap. Na-guilty talaga ako kasi di ko siya matutulungan. Natapos ang exam at kinausap ko siya sa labas, humingi ako ng sorry sa nangyari pero parang wala lang sa kanya.

Halos patapos na ang scheduled week for Finals. Inaalala ko rin kung nakapag-exam na siya sa lahat ng subjects niya. Palagi ko siyang pinaaalalahanan na mag-exam para matapos na rin siya. Sa Marketing class pala namin di pa rin siya nakakapag-exam ng Prelims at Midterm. Dagdag pa niya, ok na raw yun kasi nakag-exam naman siya ng Finals. Sabi ko di pwede. Kinausap ko si Sir Mike kung pwedeng makapag-exam siya. Buti mabait yung si Sir Mike at pumayag. Pinahiram ko sa kanya yung booklets ko at bilin ko pa pag-aralan niya kasi baka same pa rin yung exam. Usually kasi kapag special exam, binabago na ng prof yung exam. Liban sa Marketing, meron pa palang subject na di niya natatapos ang exam. Yung Dean pa naman yung prof niya sa subject na yun. Sinamahan ko siya para makiusap sa dean kung pwede pa siyang makapag-exam. Nag-antay kami sa labas kasi may on-going na defense nun sa office ng dean. Buti naman at nagkaroon kami ng pagkakataon pero sa kamalasan, halos sigawan ba naman kami nung mahaderang dean na yun na kesyo tapos na raw yung special exam at di na niya kasalanan kung meron pang di nakakapag-exam. Mahaderang yun. Mas lalo tuloy akong naawa sa kanya. Pero sinisi ko rin siya, sabi ko sa kanya, tapos na pala yung special exam di pa siya nagtake. Palusot na naman niya, di raw niya alam.

Umuwi na lang kami, parang nag-antay lang kami sa wala. Sabi ko na lang, basta yung sa Marketing, pagsikapan niyang matapos. Dahil sa nabadtrip ako sa mahaderang dean na yun, tumawag ako sa school namin sa Admin at nagsumbong na may isang dean na ganun ang ginagawa pero wala namang nangyari.

Di ko talaga siya tinigilan hanggat di siya nakakapag-take ng exam sa Marketing. Nariyan yung wala si Sir Mike kaya di siya nakapag-exam. Pero di ako tumigil at sa wakas, nung mga sumunod na araw, nakapag-exam din siya. Inusisa ko pa siya nun kung nasagutan ba niya lahat ng questions, sabi ko pa, sana ginaya na lang niya lahat ng sagot ko. Isa pa sa magandang ugali niya, kahit ibinigay ko na halos lahat ng sagot sa exams, parang di man lang niya ginaya. Sabi pa nga niya, di niya raw tinapos sagutan. Di tulad ng iba na kapag isinubo na ang sagot, talagang verbatim kung i-copy ang sagot para masigurong makapapasa. Pero siya hindi, gagawin pa rin niya ang lahat sa abot ng makakaya niya kahit alam niyang mahihirapan siya.

Ang natatandaan kong huli naming pagsasama, siguro a week before my birthday. Di ko na matandaan kung pano nagsimula kasi ang naaalala ko na lang, magkasama kami sa SM North. Namasyal kami, naglakad-lakad sa loob ng mall. Tapos niyaya ko siyang kumain. Sabi ko treat ko na kasi malapit na birthday ko. Kumain kami sa Greenwich. Kaya nga memorable rin saken yung Greenwich sa North. Tapos akalain mo ba naman, binibigyan ako ng pera para raw sa pagkain. Sabi ko, treat ko yun kaya huwag siyang magbabayad. Tapos nun, naglakad-lakad pa kami hanggang sa parang gusto na niyang umuwi. Niyaya ko siyang panuorin muna si Erik Santos kasi by that time may mall tour si Erik pero sabi niya, bahala raw ako kung gusto ko kasi siya raw uuwi na. Talaga ngang di siya mahilig man lang gumala o mag-unwind man lang, napaka-boring ng buhay niya. Pero imbes na maiwan ako, I decided to go home para makasabay siya pauwi kahit man lang sana sa huli naming pagsasama.

Eto ang kwento ng aking ka-kornihan. Sobrang korny! Kung susumahin, parang wala namang plot ang kwentong to. Pero yun ang nangyari, nag-reminisce lang ako kasi gusto kong maalala lagi na minsan may nakilala akong tao na minahal ko (sa sarili ko). Di ko man lang nasabi sa kanya na crush ko siya. Nung madali ng matapos yung first trimester namin, lagi ko siyang sinasabihan, “Pano yan, mawawala na ako kasi di na ako mag-aaral. Wala ka ng makakasama. Wala ng tutulong sayo. Wala ng magre-remind sayo na mag-aral ng mabuti.” Lagi ko siya nung sinasabihan, mag-aaral ng mabuti kasi swerte niya at pinag-aaral siya ng parents niya. Sa tuwing mababanggit ko yung wala na siyang makakasama, sinasabi rin niyang meron naman daw siyang kaibigan sa school na kasa-kasama niya nung wala pa ako. Yun nga lang daw at huminto pero daw pagdating ng second tri, mag-eenroll daw ulit.

Dumating ang sem break, hudyat na ng tuluyan naming pagkakalayo. Makaraan ang ilang linggo, release na ng class cards. Nang magtungo ako sa school para kunin yung class cards ko at para kumuha ng clearance at ng TOR, di na kami muling nagkita pa.

Kung iisipin, para akong ewan pero sa totoo lang, naging mahirap saken tanggapin ang katotohanan na di na kami muling magkikita at magkakasama. Lubha akong nalungkot, ilang linggo rin ako nun umiyak sa tuwing maiiisip ko siya. May ganun kasi akong ugali na iniisip ko ang magiging kalagayan ng isang tao (lalo na pag gusto ko o malapit saken) sakaling wala na ako. Para bang ang gusto kong mangyari, nakatutok ako sa kanya bawat sandali at bawat araw para alam ko kung ano ang nangyayari. Umaga’t gabi pumupatak ang mga luha ko sa tuwing nag-iisa ako at naiisip siya. Lumipas ang mga araw, naging madalang na rin ang pagtetext namin subalit sa tuwi namang magtetext ako, di naman ako nabibigo at nagrereply naman siya.

Dumating ang December. Dun ako sa Balagtas (sa kapatid ko) nag-spent ng Pasko. Sinubukan ko siyang tawagan para bumati pero di niya sinasagot ang tawag ko. Nagtext din ako pero wala ring reply.

Siguro mga bandang March 2006, tinawagan ko siya. Kinamusta ko siya at nalaman ko na graduating na pala siya nung May 2006. Yun na ata ang huli naming pag-uusap sa phone at pagtetext. Lumipas pa ang mga araw at buwan, di ko na makontak ang kanyang numero til now.

Sa sobrang kakornihan ko, akalain mo bang I tried to save yung mga text niya saken (memories???). Pati nga yung ticket para sa program sa school at pati yung isang yellow paper na kung saan ginawa niyang notes ay tinago ko. Dahil sa sobrang crush ko siya, na-coined ko yung name namin.

Nagsusumamo ako na naway, hindi man ngayon pero sa mga susunod na pagkakataon, muling magkrus ang aming landas, muli siyang makita at makasama…

No comments: