Wednesday, January 12, 2011

USAPANG PUSO SA PUSO (PART III)




Noong ika-walo ng Enero, sa pangatlong pagkakataon, muli akong nagpakuha ng dugo para sa lipid profile.Dumaan ako kanina sa St. Luke's para kunin ang resulta.

Acidic talaga ako kaya naman walang naging pagbabago sa numero ng uric acid. Baka maging sobrang asim na ako niyan! Malaking tulong yung oatmeal na halos lagi kong kinakain noon kaya noong ikalawang beses na kinunan ako ng lipid profile, todo-todo ang ibinaba ng aking cholesterol. Pero ngayon, muli na namang umakyat mula 120.61 sa 165. And dating LDL ko na 70 lang, ngayon ay umakyat sa 111. Samantalang ang HDL ko naman ay bumalik sa dati nitong numero na 39 na bumaba noong ikalawa kong lipid profile (25). Ang triglycerides ko naman ay 120.99 noong una, umabot ng 166.85 sa pangalawa at ngayon ay 112 na lang; normal na sa pagitan ng 20-150.

Noong nakaraang buwan kasi ay tila bumalik ako sa pagkain ng normal kong nakagawian. Hindi na rin ako kumakain ng oatmeal sa dahilang nakakasawa talaga. At minsan pa, nakakakain ako ng mga bawal. Hirap naman nito...





Lipid Profile 01/08/2011

No comments: