Saturday, March 12, 2011

WAY BACK HOME: MGA VIDEO PABALIK NG MAYNILA


Kadalasan, kapag pabalik na ako ng Maynila o pauwi ng probinsya (kapag hindi nakasakay ng eroplano), night trip ako lagi, para sa biyahe, matutulog lang. Kadalasan din sa pagitan ng ala-siete at alas-ocho ng gabi ang biyahe at maaaring makarating ng Maynila o ng probinsya ng bandang ala-cinco ng umaga.

Dahil dito, madilim ang kapaligiran na tatahakin sa loob ng sampu hanggang dose oras na biyahe. Wala kang makikitang tanawin dahil nababalot ng dilim ang paligid.

Minsan na rin akong umuwi ng probinsya ng day trip. Nakakabagot ang oras dahil gustung-gusto ko ng makauwi sa'min. Tila baga gusto kong hilain ang oras para bumilis. Ang kagandahan naman sa ganung oras, ay makikita mo ang tanawin ng probinsya.

Nitong pabalik na ako ng Maynila, day trip naman ang kinuha ko. Mga alas ocho y treinta y ocho ng umaga nang umalis ang bus patungong Maynila. May katagalan ang biyahe dahil mga bandang alas nueve nang gabi nang marating namin ang Maynila.




Along Ragay Cam Sur


Tangkawayan to Sta. Elena Quezon


Gumaca to Lopez Quezon

No comments: