Sunday, March 6, 2011

WAY BACK HOME: VACATION


Kahit paano'y nakaipon pa naman ako ng tatlong leave credits (yung iba kasi nagamit ko noong lagi akong nagpapacheck-up sa St. Luke's) kaya naman bakasyon grande ako mula ngayong araw hanggang March 12. Kagabi may pasok pa ako ngunit naghalf-day na lang ako til 1:00 AM kanina. Liban sa 3days leave, nagrequest din ako ng 3days na off kadikit ng aking leave. At sa maswerteng pagkakataon, dahil nagkamali ako ng araw ng leave; imbes na March 06 (flight day), March 07 ang nairequest ko hanggang sa magawa na ang schedule namin; pinayagan na rin akong magfile ng unpaid leave ngayong March 06. Sumatutal, isang linggo akong nakabakasyon.

Buti na lang at sakto rin yung bonus na ibinigay sa'min. Kapag nagbuhos nga naman ng magandang biyaya ang tadhana, sabay-sabay.



No comments: