Sa gitnang bahagi ng Kalye Pelaez, isang berdeng bahay ang matatagpuan. Bagaman
ilang dekada na rin itong natatayo, hindi naman ito napapabayaan, at regular pa
ring ipinaaayos at pinapipinturahan. Dahilan ang mga orihinal na may-ari ay sa
Amerika na naninirahan, ang nasabing bahay ay pinauupahan na lamang. At sa
lahat ng nanirahan, sari-saring kwento ng kababalaghan at katatakutan ang sa
kanila'y maririnig--mga kaluluwang tulung-tulong na nagbabangon sa tulog;
kaluluwang nagbabantay sa sanggol; mga tumutugtog sa lumang piano; humihila ng
silya at lamesa; atbp. Subalit isa sa mga makatawag pansin sa mga kababalaghan,
sa lahat ng lumang gamit na naroon, ay ang antigong manika na 'di umano'y
sumasanib... naghihiganti.
Tag-init, taong 2002, gabi noon at walang kuryente. Sa pagiging bukas ng mga noo'y nakatira sa bahay, maraming kabataan ang nagkakatipun-tipon, nagkwekwentuhan at nagkakatuwaan. Samantala, hindi naiwasang pag-usapan ang mga kwentong katatakutan gayong makailang bahay lamang ay may patay na nakaburol.
Isa sa mga nasa bahay noon ay si Kano. Kilala si Kano sa baranggay bilang isa sa mga astigin at tigasin. Bahagi ng katuwaan, kinuha ni Kano ang isang manikang maraming taon nang hindi nagagalaw. Hindi lalayo sa tatlong talampakan ang taas ng manika, na ayon sa mga nakakita'y tila may sarili nang buhay. Sa ibang perspektibo, masasabing ang manikang iyon, kasama ang iba pang manika sa bahay, ang silang matatagal nang naninirahan sa bahay.
Ginalaw at pinanakot pa ni Kano ang manika sa mga kasamahan. Sa 'di sinasadyang pangyayari, naputol ang kamay ng manika. Mabilis naman ang mga sumunod na pangyayari. Biglang-bigla, hindi na maigalaw ni Kano ang kanyang buong katawaan. Pilit man siyang kumilos o magsalita, wala siyang magawa. Nagtagaktakan ang pawis ni Kano. Nagulat na rin ang lahat sapagkat wala nang tigil ang pagpatak ng mga luha ni Kano. Pilit na pinakakalma ng mga kasamahan si Kano. Nang maisip na may kinalaman ang nangyari sa manika sa sinapit ni Kano, sinabi ng mga kasamang humingi ng tawad si Kano.
Nang sa isip ay makahingi na ng tawad si Kano, unti-unti na ring nawala ang kung anong pwersang bumalot sa kanya. Ayon kay Kano, hindi niya rin maipaliwanag ang nangyari sa kanya. Sinabi naman ng albularyong agad na natawag, ang espirito ng manika ang nagalit at pilit na pumapasok sa katawan ni Kano.
SOURCE

No comments:
Post a Comment