Noong nag-aaral pa ako, gusto kong maging isang writer. Third year high school ako nang nadiskubre kong may talent din pala ako sa pagsusulat. Wala kaming school paper pero isinali ako ng English teacher namin sa press conference---Editorial Writing (English). Cluster level iyon, ibig sabihin, kasali ang lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa cluster na kinabibilangan ng aming paaralan.
First time kong magsulat. Pero noong nakaraang taon nang panahong iyon, isinali na rin ako sa parehong paligsahan. Mantakin mo, isinali ako sa Editorial Cartooning.
Sa hindi ko inaasahan, sa lahat ng mga kasali sa paligsahang iyon sa Editorial Writing, nakuha ko ba naman ang 3rd place. Ang naging tema ng editorial ay ang 911 terrorist attack.
Pagkatapos ng cluster level, dumalo naman ako sa regional level. Mas maraming kalaban, mas maraming magagaling.
Nang nasa college na ako, nagtuluy-tuloy na ang pagsusulat ko nang maging editor-in-chief ako ng school organ namin. (O dahil walang ibang choice kaya ako na lang ang kinuha?) Nagsusulat ako ng editorial at kung anu-ano pa. Nagustuhan ko ring gumawa ng crossword puzzle. Nakakatuwa pala.
Narito ang kopya ng crossword na unang ginawa ko.
CLICK THE LINK BELOW TO OPEN:
CROSSWORD PUZZLE
If the file is not working or cannot be found or open, please feel free to contact the blogger or just leave a message.
If the file is not working or cannot be found or open, please feel free to contact the blogger or just leave a message.
No comments:
Post a Comment