Kahit  paano'y nakaipon pa naman ako ng tatlong leave credits (yung iba kasi  nagamit ko noong lagi akong nagpapacheck-up sa St. Luke's) kaya naman  bakasyon grande ako mula ngayong araw hanggang March 12. Kagabi may  pasok pa ako ngunit naghalf-day na lang ako til 1:00 AM kanina. Liban sa  3days leave, nagrequest din ako ng 3days na off kadikit ng aking leave.  At sa maswerteng pagkakataon, dahil nagkamali ako ng araw ng leave;  imbes na March 06 (flight day), March 07 ang nairequest ko hanggang sa  magawa na ang schedule namin; pinayagan na rin akong magfile ng unpaid  leave ngayong March 06. Sumatutal, isang linggo akong nakabakasyon.
 

No comments:
Post a Comment