Showing posts with label Blood Test. Show all posts
Showing posts with label Blood Test. Show all posts
Sunday, March 25, 2012
Thursday, September 15, 2011
Wednesday, September 14, 2011
Tuesday, July 26, 2011
HULYO DIECISIETE: UNANG TANGKA SA BARIUM ENEMA AT ANG BLOOD TEST (USAPANG PUSO SA PUSO PART IX)
Madaling araw nang gisingin ako ng paghilab ng aking tiyan. Waring may naganap na digmaan sa loob ng aking tiyan at ngayon, ang mga bakas ay tila gustong humulagpos. Tila baga ang mga bakas na ito ng rebolusyon ay gustong kumawala at gustong maging malaya.
Nagsimula na ang epekto ng Laxatrol.
Hindi kanais-nais
ang lasa ng Laxatrol. Nang una kong uminom nito nang nagdaang gabi,
sabik pa naman akong matikman dahil orange flavor ito. Ngunit,
nang simulan ko na itong lagukin, gusto kong magprotesta at isuka. Para akong uminon ng tinunaw na
plastik o kaya'y gasolina. Ang malapot na likidong ito ay unti-unting dumaloy
sa aking lalamunan, masagwa ang lasa at naging walang silbi ang pagiging orange
flavor nito. Makalipas ang treinta minutos, ang Magnesium
Citrate naman ang sinimulan kong inumin. Kumpara sa Laxatrol,
mas mainam ang lasa ng Magnesium Citrate. Ang lasa nito ay parang
isang energy drink. Nag-aagaw ang lasa ng tamis, asim at alat.
Sinubukan kong
matulog ulit dahil mahaba pa naman ang oras. Mga bandang ala-seis nang umaga ng
muli akong magising. Hindi na pwedeng kumain ng agahan at uminom ng tubig.
Kailangang malinis ang loob ng aking tiyan para sa gagawing barium
enema.
Sakto lang nang
dumating ako sa St. Luke's
Hospital. Linggo kaya naman wala masyadong tao sa ospital at dahilan
para madali akong naasikaso. Unang hakbang sa proseso ng barium enema ay
nang kunan ako ng x-ray. Ito ay para matiyak na malinis ang
aking large intestine. Kung sakali ngang malinis, kaagad-agad
na isasagawa ang barium enema ngunit sakali mang hindi pa rin,
ipapaliban ang proseso.
Kumpara sa x-ray na
isinasagawa sa dibdib, pinahiga ako sa isang higaan. Sa gilid nito ay nakakabit
ang isang malaking makina. Habang ako'y nakahiga, sinimulan ang pagkuha ng
imahe gamit ang x-ray. Automatiko ang malaking makina sa pagkuha ng
imahe. Ang x-ray ay nasa itaas ko. Naisip ko lang na kung
sakaling malaglag ang nasabing makina habang ako'y nakahiga, ano kaya ang
mangyayari sa'kin. Mukha pa namang mabigat iyon.
Ilang minuto pa lang
nang makarating ako sa bahay, naramdaman kong kailangan kong magpunta ng
banyo. Sa ikatlong pagkakataon nang araw na ito, umepekto ang Laxatrol.
Bago magtanghali,
naghanda ako para bumalik sa ospital. Bago rin ako umalis ng bahay, naramdaman
ko ang epekto ng Laxatrol sa ika-apat na pagkakataon.
Labels:
Barium Enema,
Blood Test,
Health,
Heart,
Hypertension,
Personal,
Seven Days,
Usapang Puso sa Puso,
X-ray
Friday, July 22, 2011
HULYO DIECISEIS: ANG SINE, ANG BLOOD TEST AT ANG GASTRO (USAPANG PUSO SA PUSO PART VIII)
Hiniling kong walang
pasok sa araw na ito para makapanuod ng ikalawang bahagi ng Harry
Potter and the Deathly Hallows. Hulyo quince ang unang araw ng
pagpapalabas nito sa mga sinehan (na siya namang alam ko) ngunit mas naunang
ipalabas ito sa Maynila ng isang araw. Hulyo catorce pa lang, pinilahan na ang
nasabing pelikula sa mga sinehan ng Maynila. Maraming tao ang nag-aabang sa
pelikulang ito kaya naman asahan mong sandamakmak ang mga panatikong manunuod
nito. Ang Hulyo quince ay Biyernes, ang araw na kung kailan abala ako sa
trabaho. Kaya naman, di ko ninais na manuod sa araw na ito dahil inaasahan kong
di naman kaagad ako makakauwi ng maaga. Ayoko rin namang manuod nang
gabing-gabi na.
Ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon, hindi matutuloy ang balak kong manuod kami ng Sabado,
Hulyo dieciseis. Nauna kong napagsabihan si Leah na manuod kami sa araw na ito.
Kahit anong oras naman kasi ay pwede siya basta't maagang ipaalam sa kanya. Si
Paul naman, ang alam ko kasi ay wala siyang pasok tuwing Sabado. Sabi ni Leah,
may team building daw sina Paul ng Sabado. At hindi rin daw
pwede ng Linggo. Di ko rin naman nais manuod ng sine tuwing Linggo dahil sa
sandamukal na tao ang naglilipana sa mall sa araw na ito.
Ang binibini mismo
ang nagdala sa'kin doon sa registration ng Pathology.
Naalala ko, na kailangan pala munang magparehistro bago makuhanan ng dugo (na
siya namang SOP sa bawat departamento ng nasabing
ospital). Ciento catorce ang numerong ibinigay sa akin. Nang mapadako
ang paningin ko sa numerong kasalukuyang nasa queue, tila
matatagalan ako sa paghihintay. Ngunit sadyang mabilis ang proseso. Wala
pang quince minutos at tinawag na ang numero ko. Mabilis din naman akong
nakuhanan ng dugo.
Mula sa Pathology,
bumalik ako sa Cathedral Heights Buiding para naman magpasuri
sa isang gastroenterologist. Ayon sa Medicard,
alas-deiz ng umaga bukas ang klinika ng doktor. Nang dumating ako sa labas ng
klinika, may nakapaskil na bukas ang klinika mula alas-nueve hanggang
alas-doce. Mga ilang minuto nang nakakaraan makalipas ang alas-nueve.
Ang magnesiem citrate ay mabibili lamang sa St.
Luke's pharmacy. Nagkakahalaga itong Php 103.32 samantalang
ang Laxatrol sa kanila ay nagkakahalagang Php116.76. Kung
sa labas ka bibili ng Laxatrol, naglalaro ito sa Php69.00.
Sinubukan ko kasing bumili sa isang generic drug store ngunit
wala pala silang ibinibenta. Sa pinakamalapit namang Mercury Drug sa St.
Luke's, wala silang nakaimbak.
Kinagabihan, oatmeal lang
ang kinain ko. Sinubukan kong uminom ng maraming tubig bago pa man
maghatinggabi. Ininom ko rin ang dalawang gamot na inireseta sa'kin; ang Laxatrol at
ang Magnesium Citrate.
Tuesday, July 19, 2011
USAPANG PUSO SA PUSO (PART VII)
On Sunday (July 17),
I've got my fourth blood chem result at St. Luke's Hospital.
Labels:
Blood Test,
Health,
Heart,
Hypertension,
Personal,
Usapang Puso sa Puso
Saturday, July 16, 2011
USAPANG PUSO SA PUSO (PART VI)
I had my fourth blood test this morning at St. Luke's QC for blood chemistry and lipid profile.
Dr. Mona advised me to undergo again this test because my blood pressure is getting higher again. Though the last time she got my bp was normal (120/80), this week my bp was beyond normal but not alarming. She already changed my medication from Metoprolol to Losartan which is quite expensive from the former. With Metoprolol (Generic), you can have it around Php3.25 per tablet while with Losartan, it's double the price of the former.
I have to monitor again my diet. Goodbye friend chicken of Mini Stop and hello again oatmeal (though from time to time, I'm eating this stuff). I have to religiously eat again cereals.
Labels:
Blood Test,
Health,
Heart,
Hypertension,
Personal,
Usapang Puso sa Puso
Subscribe to:
Posts (Atom)