Showing posts with label Barium Enema. Show all posts
Showing posts with label Barium Enema. Show all posts

Thursday, August 4, 2011

HULYO VEINTE DOS: ANG RESULTA


Sabi sa'kin ni kuya medical staff, mga bandang ala-cinco ng hapon nang parehong araw kung kailan isinagawa ang barium enema sa'kin ay puwede kong makuha ang resulta.

Ngunit dahil masyado namang hapon iyon, minabuti ko na lang na sa susunod na araw na lang.

Matapos kong gawin ang aking report sa araw na ito, tumalilis ako papuntang St. Luke's Medical Center. Mga higit isang oras pa ang aking binuno makarating lang sa ospital. 

Nang sa wakas ay makapasok ako sa Radiology ng ospital, ibinigay ko ang aking receipt form. Kaunti na lang ang mga tao sa lugar dahil pasado ala-seis na rin ng gabi. Ngunit medyo naghintay pa ako ng ilang minuto dahil may mga nauna na rin sa'kin na kumukuha ng kanilang resulta at masusi ring sinusuri ng isang staff ang bawat resulta. 

Nabahala ako sa maaaring naging resulta ng prosesong isinagawa sa'kin. Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa isip ko. Pa'no na lang kung may kakaibang nakita sa x-ray? Pa'no kung may deperensiya nga ang aking bituka? Pa'no kung kailangan ko ng gamutan?

Sa wakas, tinawag ng staff ang aking pangalan. Akala ko ay may mga imaheng ibibigay sa'kin bilang resulta ng barium enema. Bagkus, isang puting papel lang ang hawak ng staff. Tinupi niya ito matapos masuri na tama ang nakapangalan sa resulta at isinilid sa puting sobre. Iniabot niya iyon sa'kin. Bumalik ako mula sa pagkakaupo para malaman ang resulta.

Salamat po Diyos ko!

Hanggang sa mga oras na ito, mula nang isagawa ng barium enema sa'kin, hindi ko na nararamdamang humihilab at naririnig na kumukulo ang aking tiyan. Naisip ko pa nga, parang nakatulong pa ang pagpasok sa'kin ng likido dahil parang kasabay nito'y nalinis din ang aking intestine.

Natapos din sa ika-pitong araw ang lahat.




HULYO VEINTE UNO: ANG BARIUM ENEMA


Bago pa man mag-alas-nueve ng umaga, nakarating na ako sa St. Luk'es Medical Center. Dumiretso ako sa lobby kung saan naghihintay ang mga pasyente para makuhanan ng x-ray. Pamilyar ang lalaking medical staff na siyang aalalay sa'kin. Isa siya sa mga unang umalalay sa'kin noong unang punta ko sa Radiology noong Hulyo diecisiete. 

Pinapasok niya ako sa kuwarto kung saan isinasagawa ang pagkuha ng x-ray para malaman kung malinis na ang aking intestine. Gagawin ito sa'kin sa ika-apat na pagkakataon. Pagkatapos nito, pinaghintay ako sa lobby.

Ilang sandali lang ay muli niya akong tinawag. Nang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lobby, napatingin ako sa mga papel na hawak niya. Parang naaaninag kong tuloy na tuloy na nga.

Mga ilang dipa mula sa lobby, kinausap niya ako. Isasagawa na sa araw na ito ang barium enema. Nagsimula siyang magpaliwanag sa'kin kung ano at pa'no gagawin ang barium enema. Pinapasok niya ako sa Room 5 kung saan gagawin ang x-ray. Sa loob niya itinuloy ang pagpapaliwanag. Para lubos kong maunawaan, mula sa kompyuter, may mga imahe siyang ipinakita sa'kin ng isinagawang barium enema sa isang pasyente. 

Sumatutal, hindi naman daw matagal ang proseso lalo pa't sa edad kong veinte cinco. Depende rin ito sa haba ng bituka dahil iba-iba naman ang haba nito sa tao. 

May kaunting kaba akong naramdam dahil ito ang unang pagkakataon na may gagawin sa'kin lalo pa't sa loob pa mismo ng aking katawan. Pakiramdam ko'y may magaganap na major operation sa'kin. 

Pinagpalit niya ako ng damit. Hubad kung hubad. Tanging robe lang ang suot ko. 

Ilang minuto pa akong naghintay. Maya-maya pa't dumating na ang doktora. Hindi siya yaong doktora na kumausap sa'kin ng nakaraang araw. Mabuti na lang at sobrang bait din ni kuyang medical staff. Kung masakit daw, sabihin ko lang sa kanya. Nasa tabi ko lang daw siya para umalalay. 

Para lubos na maunawaan kung ano at bakit isinasagawa ang barium enema, narito ang mga impormasyong aking nakalap na halos katulad ng isinagawa sa'kin.



Source:



What is Lower GI Tract X-ray Radiography (Barium Enema)?
Lower gastrointestinal (GI) tract radiography, also called a lower GI or barium enema, is an x-ray examination of the large intestine, also known as the colon. This examination evaluates the right or ascending colon, the transverse colon, the left or descending colon, the sigmoid colon and the rectum. The appendix and a portion of the distal small intestine may also be included.

An x-ray (radiograph) is a noninvasive medical test that helps physicians diagnose and treat medical conditions. Imaging with x-rays involves exposing a part of the body to a small dose of ionizing radiation to produce pictures of the inside of the body. X-rays are the oldest and most frequently used form of medical imaging.

The lower GI uses a special form of x-ray called fluoroscopy and a contrast material calledbarium or a water soluble iodinated contrast.

Fluoroscopy makes it possible to see internal organs in motion. When the lower gastrointestinal tract is filled with barium, the radiologist is able to view and assess the anatomy and function of the rectum, colon and sometimes part of the lower small intestine.


What are some common uses of the procedure?



A physician may order a lower GI examination to detect:
  •          benign tumors (such as polyps).
  •          cancer.
  •          causes of other intestinal illnesses.


The procedure is frequently performed to help diagnose symptoms such as:
  •          chronic diarrhea.
  •          blood in stools.
  •          constipation.
  •          irritable bowel syndrome.
  •          unexplained weight loss.
  •          a change in bowel habits.
  •          suspected blood loss.
  •          abdominal pain.


Images of the small bowel and colon are also used to diagnose inflammatory bowel disease, a group of disorders that includes Crohn's disease and ulcerative colitis.

 

How should I prepare for the procedure?

Your physician will give you detailed instructions on how to prepare for your lower GI imaging.

You should inform your physician of any medications you are taking and if you have any allergies, especially to barium or iodinated contrast materials. Also inform your doctor about recent illnesses or other medical conditions.

On the day before the procedure you will likely be asked not to eat, and to drink only clear liquids like juice, tea, black coffee, cola or broth, and to avoid dairy products. After midnight, you should not eat or drink anything. You may also be instructed to take a laxative (in either pill or liquid form) and to use an over-the-counter enema preparation the night before the examination and possibly a few hours before the procedure. Just follow your doctor's instructions. You can take your usual prescribed oral medications with limited amounts of water.

You may be asked to remove some or all of your clothes and to wear a gown during the exam. You may also be asked to remove jewelry, dentures, eye glasses and any metal objects or clothing that might interfere with the x-ray images.

Women should always inform their physician and x-ray technologist if there is any possibility that they are pregnant. Many imaging tests are not performed during pregnancy so as not to expose the fetus to radiation. If an x-ray is necessary, precautions will be taken to minimize radiation exposure to the baby.

Infants and children may undergo lower GI radiography. Usually, there is no special preparation, but your doctor will give you detailed instructions to prepare your child for the examination. The use of barium and the taking of x-ray images is similar to that described for adults.

 

What does the x-ray equipment look like?

The equipment typically used for this examination consists of a radiographic table, an x-ray tube and a television-like monitor that is located in the examining room or in a nearby room. When used for viewing images in real time (called fluoroscopy), the image intensifier (which converts x-rays into a video image) is suspended over a table on which the patient lies. When used for taking still pictures, the image is captured either electronically or on film.

 

How does the procedure work?

X-rays are a form of radiation like light or radio waves. X-rays pass through most objects, including the body. Once it is carefully aimed at the part of the body being examined, an x-ray machine produces a small burst of radiation that passes through the body, recording an image on photographic film or a special digital image recording plate.

Fluoroscopy uses a continuous or pulsed x-ray beam to create a sequence of images that are projected onto a fluorescent screen, or television-like monitor. When used with an oral contrast material, which clearly defines the area being examined by making it appear bright white, this special x-ray technique makes it possible for the physician to view internal organs in motion. Still images are also captured and stored either on film or electronically on a computer.

Until recently, x-ray images were maintained as hard film copy (much like a photographic negative). Today, most images are digital files that are stored electronically. These stored images are easily accessible and are frequently compared to current x-ray images for diagnosis and disease management.

 

How is the procedure performed?

The lower GI examination is usually done on an outpatient basis and is often scheduled in the morning to reduce the patient's fasting time.

A radiology technologist and a radiologist, a physician specifically trained to supervise and interpret radiology examinations, guide the patient through the barium enema.

The patient is positioned on the examination table and an x-ray film is taken to ensure the bowel is clean. After performing a rectal examination, the radiologist or technologist will then insert a small tube into the rectum and begin to instill, using gravity, a mixture of barium and water into the colon. Air may also be injected through the tube to help the barium thoroughly coat the lining of the colon. In some circumstances, the radiologist or referring physician may prefer a water and iodine solution rather than barium. Next, a series of x-ray images is taken.

You must hold very still and may be asked to keep from breathing for a few seconds while the x-ray picture is taken to reduce the possibility of a blurred image.

The technologist will walk behind a wall or into the next room to activate the x-ray machine.

The patient may be repositioned frequently in order to image the colon from several angles. Some x-ray equipment will allow patients to remain in the same position throughout the examination.

When the examination is complete, you will be asked to wait until the radiologist determines that all the necessary images have been obtained.

Once the x-ray images are completed, most of the barium will be emptied through the tube. The patient will then expel the remaining barium and air in the restroom. In some cases, additional x-ray images will be taken.

A barium enema is usually completed within 30 to 60 minutes.

 

What will I experience during and after the procedure?

As the barium fills your colon, you will feel the need to move your bowel. You may feel abdominal pressure or even minor cramping. Most people tolerate the mild discomfort easily. The tip of the enema tube is specially designed to help you hold in the barium. If you are having trouble, let the technologist or radiologist know.

During the imaging process, you will be asked to turn from side to side and to hold several different positions. At times, pressure may be applied to your abdomen. With air contrast studies of the bowel (air contrast barium enema), the table may be moved to an upright position.

After the examination, you may be given a laxative or enema to wash the barium out of your system. You can resume a regular diet and take orally administered medications unless told otherwise by your doctor. You may be able to return to a normal diet and activities immediately after the examination. You will be encouraged to drink additional water for 24 hours after the examination.

Your stools may appear white for a day or so as your body clears the barium liquid from your system. Some people experience constipation after a barium enema. If you do not have a bowel movement for more than two days after your exam or are unable to pass gas rectally, call your physician promptly. You may need an enema or laxative to assist in eliminating the barium.




Source:







Tuesday, August 2, 2011

HULYO VEINTE: ANG IKATLONG TANGKA SA BARIUM ENEMA




Photo Credit: http://www.ceessentials.net/article17.html


Miyerkules. Wala akong pasok sa trabaho kaya naman itinaon ko sa araw na ito na maisagawa ang barium enema (sana para matapos na 'to). Nang nakaraang araw, nang nasa bahay na ako (galing ako sa St. Luke's Medical Center), tumawag ako sa Radiology para malaman kung pwedeng late in the morning na ako makapunta ng ospital para siguradong nailabas ko nang lahat ang laman ng aking intestine. Sumang-ayon naman ang babaeng kausap ko sa kabilang linya at wala naman daw problema.

Muli, madaling araw nang umatake sa'kin ang natural na epekto ng Laxatrol. Kung hindi ako nagkakamali, mga apat na beses atang nagkaroon ng giyera sa aking intestine hanggang sa maghanda ako papuntang ospital. Sa totoo lang, lagpas alas-once nang umaga ng ako'y makarating sa St. Luke's Medical Center

Dumiretso ako sa lobby ng Radiology kung saan nag-aantay ang mga pasyente para makuhanan ng x-ray. Ibinigay ko ang aking registration/receipt form (para sa barium enema procedure) sa isang medical staff na nakaupo sa receiving ng naturang lobby. Sa hitsura nito ay de-pamilyadong tao na; maliit lang siya at may bigote. 

Medyo nahihiya na nga rin ako dahil parang kilala na ako ng ibang staff doon sa Radiology. May ilan kasi sa kanila ang mga naunang umalalay sa'kin nang una at pangalawang x-ray ng large intestine ko at ngayon ay nandoon pa rin ako at hindi makaabante sa susunod na gagawin sa barium enema

Dahil ilang minuto na lang ay magtatanghali na at halos wala masyadong pasyente na nag-aantay para sa x-ray, makailang minuto pa lang ay tinawag na ang pangalan ko.

Parang interogasyon ang ginawa sa'kin ng mamang nilagakan ko ng aking mga papel. Kasama ang isa pang medical staff (siya ata yung unang nakausap ko sa registration ng gagawin sa'kin at nagpaliwanag ng mga dapat at hindi dapat gawin para sa barium enema), tinanong nila kung may schedule ako sa araw na ito. Sinabi kong ipinagpaliban ang barium enema sa'kin ng Miyerkules mula noong Linggo. Doon ko lang napagtanto na mali pala ang naisulat sa aking registration/receipt form ng isang medical staff noong Linggo. Imbes na Hulyo veinte ang petsa, naisulat niyang veinte uno ngunit tama naman ang araw ng Miyerkules na naisulat niya. Nang kuwestiyunin naman kung bakit hindi ako dumating sa tamang oras na nakasaad (mga dapat ala-siete cuarenta y cinco ng umaga rin dapat tulad ng nauna), sinabi ko namang tumawag ako sa Radiology nang nakaraang gabi kung puwedeng late in the morning na ako pumunta ng ospital. 

Mabait naman yung dalawang kumausap sa'kin, nagtataka lang siguro sila kung bakit ako nandoon dahil ibang petsa ang nakasulat sa aking registration form. Bumalik ako sa aking kinauupuan at ilang sandali lang ay muling tinawag ang aking pangalan. Pinasunod ako sa x-ray room para muling makuhanan ng imahe ang aking large intestine

Matapos ang x-ray, bumalik ako sa lobby at umaasang sana'y naging malinis na ang aking intestine ng sa gayo'y maisagawa na ang barium enema

Kaunting paghihintay lang at muling tinawag ang aking pangalan. Sa pagkakataong iyon, isang doktor mismo ang siyang lumapit at nagpaliwanag sa'kin. Di tulad nang una at pangalawang x-ray ko na pawang mga staff ang siyang nagpaliwanag sa'kin. Matapos nilang ipasuri ang imahe ng x-ray sa doktor, sila rin ang maghahatid sa'kin ng konklusyon mula sa doktor.

Tila ayaw akong pagbigyan ng tadhana na maisagawa sa madaling panahon ang barium enema.

Ayon sa doktora, hindi pa rin malinis ang aking large intestine. Ayon sa kanyang karanasan, batay sa imaheng nakuha sa x-ray, maaaring makaramdam ako ng discomfort sakaling isagawa ang barium enema. Naintriga tuloy ako kung pa'no at ano nga ba ang gagawin sa barium enema. May nabanggit kasi ang doktora na may ipapasok sa'kin at baka mahirapan daw ako kaya nararapat na malinis ang malaking bituka. Pinapili naman niya ako. Depende pa rin daw naman sa magiging desisyon ko kung gusto kong ituloy sa araw na iyon ang barium enema o kaya'y ipagpabukas na lang. Naisip ko na matagal-tagal pa ata yung susunod kong walang pasok sa trabaho. Tumatak din sa’kin yung maaring discomfort na mararanasan ko kaya naman, nagpadesisyunan kong ipagpabukas na lang, ika-veinte uno ng Hulyo. 

Sa pangyayaring ito, isa rin lang ang kakahinatnan nito, iinom ulit ako ng Laxatrol at Magnesium Citrate. Nabanggit ko sa doktora kung may alternatibo para sa Laxatrol. Liban daw dito, wala na silang inirerekomendang gamot. Kaya naman, pinayuhan niya akong ihalo ito sa juice para mawala ang masamang lasa nito. 

Muli akong dumiretso sa pharmacy. Ang pharmacist nang nakaraang araw ang siyang nasa counter kasama ang iba pa. Sa pagkakataong ito, hindi na niya ako pinagbigyan. Bumalik daw ako sa Radiology at kumuha ng reseta.

Sa Radiology, nakasalubong ko yung mamang may bigote at agad akong napansin. Nagtanong ako kung puwedeng makahingi ulit ng listahan ng mga kailangan para sa barium enema. Tinawag niya ang babaeng staff na siyang kasama niya kanina para asikasuhin ako. Sinabi kong ayaw akong pagbilhan sa pharmacy.

Liban sa Magnesium Citrate na tanging sa St. Luke's Medical Center pharmacy lang puwedeng bilhin, doon na rin ako bumili ng Laxatrol. Wala na kasing ibang Mercury Drug na malapit sa'min. Yung ibang independent drug store ay hindi nagbebenta ng Laxatrol. Hindi na rin ako umasa na mayroon ng stock sa Mercury Drug na malapit sa St. Paul dahil noong nakaraang Sabado lang, ay wala sila nito sa imbentaryo.

Nagpaalam na rin ako sa opisina na magle-leave ako kinabukasan.

Monday, August 1, 2011

HULYO DIECINUEVE: ANG IKALAWANG FASTING BAGO ANG BARIUM ENEMA



Photo Credit: http://smdcmetromanilacondos.blogspot.com



Mga pasado alas-cuatro nang hapon ng umalis ako ng opisina. Kailangan ko pa kasing pumunta ng St. Luke's Medical Center para bumili ng Magnesium Citrate

Pasado ala-cinco y media nang makarating ako ng ospital. Agad akong dumiretso sa pharmacy ng main hospital. Sa counter, ayaw pa sana akong pagbilhan ng babaeng pharmacist dahil wala raw akong reseta. Buti na lang at nadala ko siya sa pakiusapan. Sabi ko, hindi ko dala (malay ko bang kailangan pala 'yon) at kailangan ko na dahil kinabukasan gagawin ang barium enema

Kinagabihan, dating gawi nang nauna. Pasado alas-siete ng gabi, kumain ako ng soft diet. Mga alas-ocho naman ng muli akong uminom ng Laxatrol sa ikalawang pagkakataon. Gaya ng naging payo ng isang medical staff sa Radiology, kumain daw ako ng candy pagkatapos uminom ng Laxatrol. Kaagad-agad ko namang isinabay ang pagkain ng candy para mawala ang masamang lasa ng nasabing gamot. Sunod ko namang ininom ang Magnesium Citrate.




Tuesday, July 26, 2011

HULYO DIECISIETE: UNANG TANGKA SA BARIUM ENEMA AT ANG BLOOD TEST (USAPANG PUSO SA PUSO PART IX)


Madaling araw nang gisingin ako ng paghilab ng aking tiyan. Waring may naganap na digmaan sa loob ng aking tiyan at ngayon, ang mga bakas ay tila gustong humulagpos. Tila baga ang mga bakas na ito ng rebolusyon ay gustong kumawala at gustong maging malaya.

Nagsimula na ang epekto ng Laxatrol.




Hindi kanais-nais ang lasa ng Laxatrol. Nang una kong uminom nito nang nagdaang gabi, sabik pa naman akong matikman dahil orange flavor ito. Ngunit, nang simulan ko na itong lagukin, gusto kong magprotesta at isuka. Para akong uminon ng tinunaw na plastik o kaya'y gasolina. Ang malapot na likidong ito ay unti-unting dumaloy sa aking lalamunan, masagwa ang lasa at naging walang silbi ang pagiging orange flavor nito. Makalipas ang treinta minutos, ang Magnesium Citrate naman ang sinimulan kong inumin. Kumpara sa Laxatrol, mas mainam ang lasa ng Magnesium Citrate. Ang lasa nito ay parang isang energy drink. Nag-aagaw ang lasa ng tamis, asim at alat. 

Sinubukan kong matulog ulit dahil mahaba pa naman ang oras. Mga bandang ala-seis nang umaga ng muli akong magising. Hindi na pwedeng kumain ng agahan at uminom ng tubig. Kailangang malinis ang loob ng aking tiyan para sa gagawing barium enema

Sakto lang nang dumating ako sa St. Luke's Hospital. Linggo kaya naman wala masyadong tao sa ospital at dahilan para madali akong naasikaso. Unang hakbang sa proseso ng barium enema ay nang kunan ako ng x-ray. Ito ay para matiyak na malinis ang aking large intestine. Kung sakali ngang malinis, kaagad-agad na isasagawa ang barium enema ngunit sakali mang hindi pa rin, ipapaliban ang proseso. 

Kumpara sa x-ray na isinasagawa sa dibdib, pinahiga ako sa isang higaan. Sa gilid nito ay nakakabit ang isang malaking makina. Habang ako'y nakahiga, sinimulan ang pagkuha ng imahe gamit ang x-ray. Automatiko ang malaking makina sa pagkuha ng imahe. Ang x-ray ay nasa itaas ko. Naisip ko lang na kung sakaling malaglag ang nasabing makina habang ako'y nakahiga, ano kaya ang mangyayari sa'kin. Mukha pa namang mabigat iyon.

Sa hindi magandang pagkakataon, ayon na rin sa resulta ng unang x-ray, hindi pa rin malinis ang aking malaking bituka. Abiso sa'kin ng ilang medical staff, ilabas ko raw kung sakali pang may ilalabas ako. Ngunit sakaling mang mabigo sa araw na iyon, maaaring ipagpaliban ang proseso ng barium enema.

Imbes na manatili sa ospital; kahit sa totoo lang, maganda ang mga banyo sa St. Luke's Hospital; minabuti ko pa ring umuwi na lang sa aming bahay. Tutal malapit lang naman ang ospital sa'min. Bago umuwi, dumaan muna ako sa Pathology para makuha ang resulta ng aking blood test.





Ilang minuto pa lang nang makarating ako sa bahay, naramdaman kong kailangan kong magpunta ng banyo. Sa ikatlong pagkakataon nang araw na ito, umepekto ang Laxatrol

Bago magtanghali, naghanda ako para bumalik sa ospital. Bago rin ako umalis ng bahay, naramdaman ko ang epekto ng Laxatrol sa ika-apat na pagkakataon.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon, hindi naging maganda ang imahe sa x-ray ng aking bituka. Kaya naman, ipinagpaliban ang proseso ng barium enema. Babalik ako sa Hulyo veinte. Ngunit nangangahulugan itong kinakailangan kong uminom muli ng mga gamot; ang Laxatrol at ang Magnesium Citrate

Gutom na rin ako kaya naman minabuti kong umalis na rin sa ospital. Tutal, wala naman akong masyadong gagawin kaya naman napagdesisyunan kong pumunta sa kapatid ko sa Bulakan. Kailangan ko ng soft diet kaya naman para maibsan ang gutom habang nasa biyahe, dumaan ako sa 7Eleven na nasa harap ng St. Luke's. Bumili ako ng mineral water at dalawang doughnut (isang big dunk at yung regular). 

Lagpas tanghali na nang dumating ako sa Bulakan. Hindi ko rin sana nais ngunit inalok pa rin akong kumain. Hindi ko na lang kinain yung manok na sahog sa sotanghon. Maya-maya pa't, may nagbigay sa kanila ng pagkain mula sa kapitbahay. May pansit, mga karneng ulam, letson at leche flan. Ayaw ko na rin sana ngunit ilang beses din akong inalok na muling kumain. Tanging pansit at leche flan lang ang aking kinain dahil pansamantala kong iniwasan ang karne.

Hapon nang magbiyahe ako pabalik ng Maynila. Nakaligtaan kong inumin ang akong gamot sa hypertension kaya naman habang nasa biyahe, ininom ko ito. Ilang minuto pa't napaidlip ako sa biyahe. Nang magising ako, tila may masama sa aking lalamunan. May kaunti itong sakit nang lumunok ako. Hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka sa gamot na ininom ko. May pagkakataon kasi na kung iinom ka ng gamot at walang tubig, minsan tila may bakas na naiiwan sa lalamunan o kaya'y parang hindi pa kaagad nalulunok at ilang minuto pang nanatili sa lalamunan. Ang tila kaunting kirot sa lalamunan ay ramdam ko hanggang sa makauwi ako ng bahay at gumabi.