Showing posts with label Horror. Show all posts
Showing posts with label Horror. Show all posts

Monday, February 4, 2013

OKA TOKAT! A DOPPELGANGER ON MY BROTHER'S BED




This happened about a year ago. One night after I got home from school, I went straight to our room, which my brother and I share. We have a bunk bed adjacent to the door, and when I entered our room, I found my brother on the upper bunk, facing the wall. I thought he was already asleep, so I never bothered turning the overhead light on, instead, I used the small lamp on my computer table parallel to the bunk bed.

After a minute, as I prepared to take a night bath, I heard him giggle, I looked at him wondering if he was laughing in his sleep, or if he was still awake just reading something in his cellphone. "gising ka pa pala." (so you're still awake) I said to him, but he didn't reply. I grabbed my towel and went to the bathroom. When I got there I found the door locked. I knocked and asked who was in there, and to my surprise, I heard my brother answer from inside.

At first I couldn't believe what was happening. I just stood there in front of the bathroom door, and shifted my eyes to look at our room's door. Something was telling me I have to go back in our room and see again if there really was someone on my brother's bed, but after I returned in our room, the person I saw there before was already gone.

I told my brother that night what just happened but he didn't believe me. Next morning I told our mom while we were having breakfast. That's when she told us that sometimes during the day, when my brother and I are at school, she could hear noises from inside our room like someone opening and slamming the cabinet doors, footsteps, and one time she said she even heard the starting tone of Windows XP, but when she went inside to check if either me or my brother had returned home, she would only be surprised to learn that she's alone in the house.





SOURCE

Wednesday, May 9, 2012

OKA TOKAT! TO THE LEFT... TO THE LEFT

OKA TOKAT! AIRMAN ON PHOTO



Group Captain Victor Goddard kept this rather strange picture. The photo was taken following the last mission of this group. In the photo appears the face of an airman who was killed several days before the photo was taken, when he walked into the rotating propeller of a plane. Obviously he did not want to miss out on the group photo.

OKA TOKAT! SANIB




Si Cheryl ay isinilang at lumaki sa Lipa. Mayroon siyang kakambal, si Shirley. Pareho silang maganda at walang itulak kabigin sa kanila. Bawat isa ay may katangian na tiyak na magugustuhan ng sinumang lalaki.

Si Cheryl ay magaling mag-drawing. Napakahusay ng kanyang kamay sa paggawa ng mga paintings. Magaling din siyang sumayaw at kumanta. Samantala, si Shirley ay mahilig naman sa sports. Nage-excel siya sa mga larong pampalakasan sa eskuwelahan lalo na sa swimming. Marami siyang medalya at trophy na natanggap at ang mga iyon ay naka-display sa kanyang silid.

Third-year college na silang pareho nang dapuan si Shirley ng karamdaman. Na-detect ng doktor na mayroon siyang breast cancer at iyon ay Stage 2 na. 

Binawalan na si Shirley na sumali sa mga competitions dahil mahina na ang kanyang katawan pero hindi iyon ininda ng dalaga. Ilang inter-university competition pa ang sinalihan niya at nanalo naman siya.

Noong nasa 4th year college na si Shirley ay lumubha ang kanyang kanser. Bagaman uma-absent siya sa eskuwelahan, hindi niya ipinaaalam na mayroon siyang kanser. Hanggang sa sumapit ang final competition sa swimming kung saan siya kalahok. 

Ang mananalo sa competition na iyon ay lalahok sa Beijing, China. Mahinang-mahina si Shirley at alam ni Cheryl na hindi makasasali ang kapatid. Maging ang mga magulang nila ay malungkot dahil alam nila na iyon ang pinakaaasam-asam ni Shirley.

Ilang araw bago maganap ang kumpetisyon ay kinausap ni Sherly ang kakambal. Pinakiusapan nito na sumali sa contest at magkunwaring siya.

Hindi pumayag si Cheryl pero nang umiyak si Shirley ay tinanong niya ang mga magulang kung ano ang nararapat gawin. Hirap sa pagdedesisyon ang mga magulang kaya si Cheryl din ang tinanong kung kaya ba niyang sumali. Alam kasi nila na 'di hamak na mas mahusay si Shirley sa paglangoy kumpara sa kakambal.

Pero naglambing si Shirley sa kapatid at hiniling na sumali sa competition. Sinabi pa niya na ipagdasaral niya na manalo si Cheryl. Bagaman napipilitan lamang, pinagbigyan ni Cheryl ang kapatid lalo na nang sabihin nito na iyon ang kanyang huling kahilingan. 

Noong araw ng laban, nagdaan si Cheryl sa ospital para magpaalam sa kapatid. Hiniling nito na ipagdasal siya ng kakambal para huwag lumabas na kahiya-hiya.

Bago magsimula ang competition ay nakaramdam ng kakaiba si Cheryl. Nanlamig ang buo niyang katawan at tila may kuryenteng pumasok sa kanyang mga paa. Pakiramdam ni Cheryl ay may espiritu na pumasok sa katauhan niya.

Nang oras na ng competition at kasalukuyang nakikipagbuno si Cheryl ay para siyang malaking isda na lumalangoy sa dagat. Napakabilis ng kanyang kilos at malayo ang agwat niya sa kalaban. Siya ang itinanghal na kampeon. 

Pag-ahon sa tubig, nakita niya ang ama at kapatid na bunso na umiiyak. Buong akala ni Cheryl ay naiyak ang mga iyon sa tuwa. Hindi niya alam na habang nasa swimming pool siya ay yumao na si Shirley.

Nalaman lamang ni Cheryl na patay na ang kakambal nang sabitan siya ng medalya at ihayag na magtutungo siya sa China bilang kinatawan ng Pilipinas sa inter-university competition.

Hindi makapaniwala si Cheryl nang marinig ang balita. Ngatal ang katawan niya na yumakap sa ama. Sa morgue na niya inabutan ang kakambal at doon niya inialay ang medalya. Suot ni Shirley ang medalya nang iburol. 

Habang nakaburol ang kapatid, napag-isip-isip ni Cheryl na pumasok sa katauhan niya ang kaluluwa ni Shirley kaya kakaiba ang pakiramdam niya bago magsimula ang competition. 

Gabi-gabi, binubulungan ni Cheryl si Shirley na tulungan siya sa competition para maging over-all champion. Kahit nakahimlay na ang kakambal, tila nagkaintindihan ang dalawa. Alam ni Cheryl na hindi siya pababayaan ng kapatid. Makalipas ang libing, nagbago ang interes ni Cheryl. Pansamantala niyang kinalimutan ang pagpipinta at lagi siyang nag-eensayo ng swimming. Pati ibang exercise na paboritong gawin ng namatay na kakambal ay siya niyang ginagawa palagi.

Isang linggo bago ang competition, tumulak patungong China si Cheryl. Samantala, sumunod ang kanyang ama dalawang araw bago ang araw ng kumpetisyon.

Gabi-gabi, kinakausap ni Cheryl si Shirley. Hinihiling sa kapatid na tulungan siyang manalo. Bagaman hindi nakikita ang kakambal, nararamdaman ni Cheryl na binabantayan siya ng kapatid.

Pagsapit ng araw ng competition, muling nakaramdam ng kakaiba si Cheryl. Sa pagkakataong iyon, nasisiguro niya na ginagabayan siya ng kapatid.

Alam din niya na papasok sa katauhan niya ang kaluluwa ni Shirley para manalo sa swimming competition. At gayon nga ang nangyari. Nagwagi si Cheryl at siya ang tinanghal na champion. Pagbalik sa Pilipinas, pinarangalan siya sa unibersidad na pinapasukan.

Nang magtapos siya ng kolehiyo, binigyan siya ng award bilang Best Female Athlete. Bagaman siya ang tumanggap ng medalya, dinala ni Cheryl ang medalya sa puntod ng kapatid at inialay iyon sa kanya. Alam kasi ni Cheryl na iyon ay para sa kakambal niya na siyang tumulong sa kanya para manalo sa labanan.

Nakapangingilabot ang ikinuwento ni Cheryl pero naniniwala ako na siya ay nagsasabi ng totoo.

Maraming pangyayari ang nagaganap sa paligid na mahirap ipaliwanag pero totoong nangyayari. Isa na rito ang pagpasok ng kaluluwa ni Shirley sa katauhan ng kapatid. Nakatutuwang isipin na maski nasa kabilang buhay na ang dalaga ay ginagabayan pa rin ang kanyang kakambal.





SOURCE

OKA TOKAT! MANIKA




Ang susunod na sulatin ay batay sa mga nakalap na kwentong-bayan, "patotoo" mula sa mga nakaranas, at/o mga salaysay na bagaman walang matibay na sandigan, maiging lumaganap hindi lamang sa kabihasnan, kundi sa mga liblib na kanayunan ng Naic. Samantala, upang mapangalagaan sa kung anumang maaaring maganap, hindi ilalantad ang kanilang mga tunay na pangalan.

Sa gitnang bahagi ng Kalye Pelaez, isang berdeng bahay ang matatagpuan. Bagaman ilang dekada na rin itong natatayo, hindi naman ito napapabayaan, at regular pa ring ipinaaayos at pinapipinturahan. Dahilan ang mga orihinal na may-ari ay sa Amerika na naninirahan, ang nasabing bahay ay pinauupahan na lamang. At sa lahat ng nanirahan, sari-saring kwento ng kababalaghan at katatakutan ang sa kanila'y maririnig--mga kaluluwang tulung-tulong na nagbabangon sa tulog; kaluluwang nagbabantay sa sanggol; mga tumutugtog sa lumang piano; humihila ng silya at lamesa; atbp. Subalit isa sa mga makatawag pansin sa mga kababalaghan, sa lahat ng lumang gamit na naroon, ay ang antigong manika na 'di umano'y sumasanib... naghihiganti.

Tag-init, taong 2002, gabi noon at walang kuryente. Sa pagiging bukas ng mga noo'y nakatira sa bahay, maraming kabataan ang nagkakatipun-tipon, nagkwekwentuhan at nagkakatuwaan. Samantala, hindi naiwasang pag-usapan ang mga kwentong katatakutan gayong makailang bahay lamang ay may patay na nakaburol.

Isa sa mga nasa bahay noon ay si Kano. Kilala si Kano sa baranggay bilang isa sa mga astigin at tigasin. Bahagi ng katuwaan, kinuha ni Kano ang isang manikang maraming taon nang hindi nagagalaw. Hindi lalayo sa tatlong talampakan ang taas ng manika, na ayon sa mga nakakita'y tila may sarili nang buhay. Sa ibang perspektibo, masasabing ang manikang iyon, kasama ang iba pang manika sa bahay, ang silang matatagal nang naninirahan sa bahay.

Ginalaw at pinanakot pa ni Kano ang manika sa mga kasamahan. Sa 'di sinasadyang pangyayari, naputol ang kamay ng manika. Mabilis naman ang mga sumunod na pangyayari. Biglang-bigla, hindi na maigalaw ni Kano ang kanyang buong katawaan. Pilit man siyang kumilos o magsalita, wala siyang magawa. Nagtagaktakan ang pawis ni Kano. Nagulat na rin ang lahat sapagkat wala nang tigil ang pagpatak ng mga luha ni Kano. Pilit na pinakakalma ng mga kasamahan si Kano. Nang maisip na may kinalaman ang nangyari sa manika sa sinapit ni Kano, sinabi ng mga kasamang humingi ng tawad si Kano.

Nang sa isip ay makahingi na ng tawad si Kano, unti-unti na ring nawala ang kung anong pwersang bumalot sa kanya. Ayon kay Kano, hindi niya rin maipaliwanag ang nangyari sa kanya. Sinabi naman ng albularyong agad na natawag, ang espirito ng manika ang nagalit at pilit na pumapasok sa katawan ni Kano. 






SOURCE

Tuesday, May 8, 2012

OKA TOKAT! TAXI



It was a dark night when Julie and Chris are walking by the Bayside Road. It has been a cold night and having only a few vehicles passing through this road made it even colder.
   
“Sabi ko na sayo! Dapat hinintay natin si Gary doon sa party para may masakyan tayo pauwi. Eh nahihirapan tuloy tayong makahanap ng taxi sa lugar na ‘to. Wala atang dumadaan na taxi dito eh!” complains Julie to his boyfriend. Chris then replies “Jul, it’s getting late na and the party was getting a little boring already. Tapos parang ayaw pa umalis ni Gary eh. Hintay ka lang, may taxi din jan maya-maya.”

Chris then notices a light from afar behind him. He thought to himself that it could finally be a taxi and that they can finally go home. And as he thought, it appeared to be a taxi after all. Chris then hurriedly waves his hand to signal the vehicle to stop and give them a ride. As the taxi was a few feet away from them, Julie cries out “Ngek! May pasahero na Chris! Puno pa nga ang sasakyan eh.” As Chris heard this from his girlfriend, he took a close look to make sure that the public vehicle is indeed occupied and sure enough, what he saw was exactly what Julie told him; the taxi is packed with its passengers. But to the couple’s surprise, the taxi stopped a few meters away from them. “Grabe naman tong driver na to. Puno na nga, magpapasakay pa.” Julie exclaimed. Chris then started to walk towards the vehicle and as he was doing so, he says to his girlfriend, “Baka dito na bababa ang mga pasahero niya.” Julie then responds, “Ano? Eh wala namang bahay dito sa paligid ah. Tingnan mo nga. We’re practically in the middle of  nowhere.” As Chris heard this, he looked around and only saw an empty field on one side and a gloomy forest on the other. 

Right then and there, Chris thought that things started to get suspicious. He slowly approached the taxi. When he was near enough, he leaned down to take a look inside. To his shock, he saw no one on the passenger seat or on the backseat. There are no passengers in sight. He couldn’t believe it. There was no way both he and his girlfriend were just seeing things. His girlfriend confirmed it twice already. Even though he started to feel light-headed, he struggled to walk further forward to talk to the driver and possibly shed some light on what they’ve seen earlier. As he was about to open the passenger door to speak to the driver, he took a look inside and to his horror, neither driver could be seen inside the vehicle. At this point, Chris already felt like his head had already swollen. It was like he is in a trance due to what he is experiencing at that moment. “Ano daw Chris?! Bababa na ba ang mga pasahero niya?” screamed Julie. Somehow, his girlfriend’s voice snapped Chris out of his shock for a while and he was able to give Julie a look. Yet, Chris couldn’t gather enough strength to speak up. He could only take a deep breath and gulp through his throat. He is already thinking that this is too much for him to handle. Trying to convince himself that all of this are just illusions, he slowly took another look inside the taxi. This time, what he saw was even more horrific. The vehicle is once again filled with people. What’s more bizarre about is that all of them are just looking blankly forward and seemingly oblivious to Chris’ presence. Chris’ eyes started to bulge out in disbelief and as he started to walk backwards, all the people inside the vehicle slowly turned their heads toward Chris. Their eyes are so white; they look like they are glowing. That’s the moment when Chris started to walk anxiously towards his girlfriend. He then grabbed her by the hand and hurriedly walked away from the taxi.
  
Chris and Julie were only meters away from where the taxi was parked when he decided to look back. The vehicle was no longer there. Now he feels even less safe and all he wants to do is run away but as he turned back to look forward, a very familiar set of headlights pulled over right in front of them. Chris is terrified over the fact that the taxi might have followed them and now he has to confront it again. He can’t bear to see more of those horrific images he has seen earlier. As Chris was about to run towards the opposite direction, he heard something that made him feel safe again, “Chris! Julie! Get in, I’ll take you guys home.” It was Gary’s car, which pulled over after all. Without any hesitations, Chris took his girlfriend and got in the car.

In the car, Chris tried to calm himself down. He can’t wait to get out of that place. “I told you guys na sabay na tayong umuwi. Bakit umalis kayo kaagad?” Gary scolded the couple. “Eh eto naman kasing kaibigan mo, Gar! Gustong-gusto nang umuwi. Kesyo bored na daw siya doon.”, explained Julie. Then Gary said, “Di nyo ba alam na delikado dito?” That statement caught Chris’ attention and he said “Di mo lang alam Gar! Hindi ka maniniwala sa nangyari sakin doon.” Gary looked at his friend with heed and said “Anung sinasabi mo?” “Pare minulto ako doon!” cried Chris. “Ano ano ano?” yelled Julie. Chris turned to look at his girlfriend and told her “Yung taxing pinara natin, paglapit ko, nawala ang mga tao sa loob pati ang driver. Tapos napalingon lang ako saglit, pagtingin ko uli, may mga tao na naman sa loob. Puro puti ang mga mata nila pero naramdaman kong nakatingin sila sa akin. Muntik na’kong himatayin dun sa takot!” Julie was shocked to hear this and could only hold her hand up to cover her mouth and utter the words “Oh my God…” and when she could finally gathered herself back together she screamed “Chris huwag mo’kong takutin ng ganyan! Ayoko ng ganyang biro!” After that, the couple simply heard “I believe you.”  Gary claimed to his friend. Even though he was certain with what he saw, Chris understood how the story could be so unbelievable so he stared at Gary and said “Talaga? How could you be sure?” “I know you, man. You don’t have the creativity to make this stuff up!” said Gary with a grin and proceeded to say “Plus you’re not the first one to experience that.”  “What do you mean?” asks Chris.

“Some of my classmates back in college covered this story once so I pretty much have an idea of what you are talking about. Malamang ang nakita mo tonight ay ang kinakatakutang ‘Taxi #45 ng Malaya Company.’ About five years ago, nadisgrasya dito mismo sa Bayside Road ang Taxing yun. Ang driver pati na ang apat niyang pasahero, patay nang sumalpok ang sasakyan sa puno. Pagkatpos ng disgrasya, marami nang mga kwentong kumakalat na may mga nakakakita pa rin ng taxing yun. May iba sinasabing nakita nilang bumangga ang taxi pro nawawala naman pag nilapitan. May mga kwento rin na tulad sayo, humihinto ang taxi pag pinara tapos pag sasakay na ang pumara, magpapakita yung mga namatay na pasahero. At meron pa. Minsan pag pinapara ang taxi, pinapasakay mismo ang pumara. Tapos bago pa makalabas ng Bayside Road, hihinto ang taxi. Pag tatanungin na ng nakasakay kung ano ang problema, lilingon ang driver pero makikita ng sumakay na walang mukha ang driver. Sinubukan na ng mga classmates ko na tanungin ang Malaya Taxi Company about sa Unit #45 nila pero ang sabi ng kompanya eh nandoon lang daw sa garahe nila ang taxi at di na magamit dahil total wreck na.” tells Gary. “Kung yun nga ang taxing pinara mo Chris, passlamat ka na lang na yun lang ang dinaanan mo.” Chris took a deep breath and said, “ Diyos ko. Di talaga ako naniniwala sa mga ganitong bagay, Gar. Eh nanginginig pa nga ako hanggang ngayon. Ewan! Ngayon ‘pag iniisip ko yung nakita ko, parang bangungot ang pumapasok sa isip ko. Hindi ata ako makakatulog ng ilang araw nito. Yung mga mata nila, ‘di yun maaalis sa utak ko. Para silang umiilaw sa puti” Gary quickly responds to what he heard from Chris, “Sabi ng iba, kaya daw ganun angmga mata nila kasi huli nilang nakita sa daan bago namatay ay high beam headlights ng isa pang sasakyan. Sabi nila baka nasilaw dun ang driver kaya sila nadigrasya.” Julie then buts in, “Chris nahihilo ata ako sa kwento ninyo. Akala ko sa movies lang nagyayari ang mga ganun. Buti na lang hindi ako lumapit doon. Thank God things like those don’t happen to me pero Chris, nilalamig talaga ako ngayon. Nakakapangilabot talaga ang taxing yun.” “Julie, just relax and lean back. It’s gonna be ok. Malapit na tayong makalampas sa Bayside Road. Wala pakong naririning na sightings ng taxi outside this road.” says Gary as he glanced at Julie through the rear view mirror.

As they were exiting the Bayside Road, Gary adds one more story he remembers about the cursed taxi, “May isa pa. Hindi lang yung taxi mismo ang nagpaparamdam sa mga dumadaan doon sa Bayside. Pati na ang mga namatay na pasahero nito ay naghahasik din ng lagim. May nagsasabing nagpapakita daw ang mga pasehero sa mga drivers ng mga sasakyang dumadaan doon. Makikita mo daw sila sa tabi ng daan na parang pinapara ka. Tapos ‘pag nakalampas ka na, magugulat ka na lang pag lingon mo sa rear view mirror. Makikita mo na lang na nakasakay na sila sa likod.” “Anak ng… Eh anung gagawin ng driver?!” screams Chris. “Marami sa mga drivers, lumalabas sa sasakyan at tumatakbo. Kaya maraming nachochop-chop na sasakyan diyan sa Bayside kasi iniiwan na lang.” Gary glanced at Chris and looks at Julie through the rear view mirror as he continues, “Meron namang mga driver na malalakas ang loob at pinapabayaan na lang daw. Pero may nangyayari sa mga pasahero ‘pag pinabayaan mo lang silang sumakay. Nawawala daw sila isa-isa at nangyayari ito habang may dumadaan na sasakyan. Ang sabi ng iba, yung Taxi #45 ang nakakasalubong mo kaya’t nawawala yung mga multo sa likod ng sasakyan mo. Parang isa-isa silang sinusundo.” “Grabe! Gulong-gulo talaga siguro ang mga kaluluwa nung mga namatay kaya’t ganun na lang sila kung pagparamdam.” says Chris. Gary nods at his friend and says “Sa tingin ko kaya nila ginagawa yung dahil ‘di nila maalala kung ano ang nagyari sa kanila. Paulit-ulit silang bumabyahe sa Bayside para maalala at matanggap ang sinapit nila. Kaya kung pakikiramdaman o pakikitaan ka man, pabayaan mo na lang. Isipin mo na lang na para mo na silang tinutulungan.”

Gary, Chris and Julie finally reached Julie’s house so the couple were dropped there. Gary escorts them to the door and bids them goodbye. Julie has entered the house and Chris shook Gary’s hand and said “Thanks man! Because of the things you’ve said, I kinda feel better about what happened tonight,” Gary smiles and tells Chris “Don’t worry. All three of us shared your ordeal tonight. By the way, nakita ko rin sila ngayong gabi…” Chris’ jaw dropped and whispered “What?!… How?! Where?!”  “Relax! I think I handled it pretty well. Just don’t tell Julie about it.” says Gary. Chris then asks, “Ha? Bakit?” Gary responded, “When I saw them, they were already inside.” Chris’ eyes widened and Gary continued “Yes. They were inside my car but just couldn’t scare the hell out of your girlfriend. Kaya alam ko kung bakit siya nilalamig kanina. And don’t worry. You’re here now in her house. You’re safe and secured. We’re kilometers away from the Bayside Road. You have nothing to be scared of anymore.” Chris then felt weakened with terror and sat on the porch steps where he and Gary were standing. Gary glances at his car and tells Chris “Yo I need to go! See you around.” As Gary was walking away, Chris screamed “Whoa, Gar! Ayaw mo mag-stay?” Gary continued walking to his car and just yelled “No! I still have to go back!” Chris quickly replied “Wh.. WHAT? Sa Bayside?! Bakit?! Naloloko ka na ba? Umuwi ka na kaya!” As Gary was entering the car, he looked at Chris with a serious look and said, “Trust me.” As Gary was driving away, Chris found the answer to why his friend needed to go back to the cursed road. A very familiar sight appeared before Chris. At Gary’s backseat, Chris saw that there was one more passenger that was left and looked at Chris with those same blinding, bright eyes. Gary needed to drop off one more passenger.





SOURCE

Monday, May 7, 2012

OKA TOKAT! UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES




Maraming urban legends at kwentong bumabalot sa bawat gusali sa Unibersidad ng Pilipinas. Madalas sa mga kwentong iyon ay naipapasa sa bawat bagong salta (mga freshies kumabaga)upang i-orient sila sa ilang mga kwento.  Ang ibang kwento ay pihadong may katotohanan lalo pa't kung ikaw mismo ang nakaranas at sa maniwala man ang iba o hindi, maraming elemento at pangyayari sa mundo ang hindi natin maipaliwanag dahil sa kakapusan ng ating kaalaman ukol dito.

Kabilang sa mga kwentong halos alam na ng lahat ay ang ligaw na kaluluwa sa Guerrero Theater na nasa ikalawang palapag ng AS building kung saan sinasabi nilang nagpapakita sa tuwing may theater show sa lugar. Habang abala ang lahat sa panonood sa kasalukuyang programa na punung-puno naman ang mga upuan ay may babaeng tatayo na animo'y lalabas upang mag-CR subalit pagtingi'y wala namang nabakanteng upuan.

Kabilang pa rin sa mga kwento sa Unibersidad ay ang fresco paintings, sculptures, artworks na nasa pinakailalim ng Vargas Museum na ayon sa kwento'y ipinasara bunga ng mga kamalasang idinulot ng mga naturang gawang sining. Ang mga gumawa din diumano ng mga naturang artworks ay nagkandamalas-malas din ang buhay katulad ng pagkabaliw, pagkamatay ng mga mahal sa buhay, pagpapatiwakal at kung anu-ano pa. Sa kabila ng kwento doon, ay tumaas ang kuryosidad na matunton ang katotohanan sa lugar na iyon subalit bunga na rin ng kakapusan ng mga impormasyon sa katotohanan ng konseptong "malas" na idinudulot daw ng mga paintings bunga ng pagkasalig nito sa dimonyo o mga itim na ispiritu, nananatiling kwento ang mga iyon na pasalin-salin at panaka-nakang nababanggit ng ilang tumanda na sa Unibersidad.

Dagdag pa sa kwentong ito ay ang talagang makapanindig balahibong pag-aabang sa taxi isang gabi kung saan hindi ipinapara ng taxi driver ang babaeng tila iyong taxi na lang ang pag-asang makalabas sa lugar dahil malalim na ang gabi. Nagtataka diumano ang babae sapagkat maka-ilang ulit ng umikot ang taxi sa Academic Oval at tumapat sa pwesto niya subalit hindi ito pinasasakay. Ayon sa kwento, wala daw nakikitang laman na pasahero ang babaeng pumapara kaya ganun na lang ang inis nito sa hindi pagpapasakay sa kanya at makailang ulit na beses na pag-ikot sa kanya.

Sa sumunod na beses ay isinakay na siya ng Taxi driver, dahil naibaba na niya ang talagang pasahero at ang dahilan daw kung bakit hindi niya ito pinasasakay ay dahil hindi niya nakikita ang ulo ng babae. Iniikutan daw niya ito hanggang sa mawala ang ispiritung kasa-kasama ng babae na nais kunin/laruin ang pumaparang tao. May third eye daw ang naturang Taxi driver kung kaya't mas matapang itong harapin ang anumang elementong naliligaw.

Sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na magkwentuhanan ang mga kapwa estudyante, hindi nawawala ang mga kwento sa mga tinitirhang dormitoryo lalo na ang mga nakakakilabot na pagbabahagi sa Kolehiyo ng Edukasyon at Vinzon's Hall na isa sa mga matatandang gusali sa unibersidad. Mga naglalakad sa ikatlong palapag ng Vinzon's Hall sa madaling araw at nakabibinging katahimikan sa CR ng College of Education na para palaging may sumasabay sa iyong mag-CR.

Noong una ay hindi gaanong pinaniniwalaan ang lahat ng mga kwento dito at ina-assume na lang na bahagi ang lahat ng oral na pagpasa ng literaturang bunga ng malikhain at malilikot na pag-iisip.

Subalit sa kabila ng mga kwentong iyon ay mga ilang katotohanang kami mismo ay hindi maitanggi bunga ng sariling karanasang pwedeng maidagdag sa mga naikuwento na ukol sa pamantasan.

Isang gabi ng Pebrero mula sa pagod na gawain buong araw bunga ng University Student Council Elections ang nakapagpatindig ng balahibo naming mga nasa loob ng sasakyan. Palibahasa'y mag-aalas tres na ng madaling araw kung kaya't nagdesisyon na ang mga natira sa politikal na grupo sa UP na umuwi at maghanda kinabukasan.
Siksikan kaming lahat sa sasakyag kaysa lamang ang anim. At para sa isang kotse ang walong katao ang mala-sardinas na pakiramdam at pagtingin na lamang sa mapunong lugar palabas ng UP ang aming hingahan. 3 sa harapan at limang katao sa bandang likuran.Di namin magawang magsalita bunga ng kapaguran subalit ang nasaksihan sa tapat ng Vargas Museum ay nakapangingilabot para dedmahin na lang.

Noong una ay inakala kong ako lang ang nakakakita at baka dahil pagod lang ako kaya nakakakita ako ng kung anu-ano. Subalit ng mas malapit na kami sa lugar at dahil mas mabagal ang takbo ng sasakyan sa bigat ng sakay nito ay mas nakita ko pa ito nang malapitan. Ipinikit ko ang mata upang patunayan sa sariling namamalik-mata lang ako lalo pa't sanay naman ako sa mga kwentong kababalaghan subalit ang di pagkawala sa paningin ay nakaalarma na sa akin.

Dalawa kami ng dating girlfriend ang nakaupo sa passenger seat at hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya nang makumpirma kong hindi ako namamalik-mata. Ang isang kaibigan sa gawing likuran ang nagtanong sa lahat kung nakikita rin daw ba namin ang nakikita niya kung kaya't nang winika niya iyon ay mas lalo akong nahintakutan.

Ang nakikita naming walo ay hindi kathang isip lang o bunga ng pagod dahil parehas na deskripsyon ang aming pinagsasaluhan. Sa tapat ng Vargas Museum at medyo malapit sa bandang hagdanan ay may nakalutang na nilalang at nagwawalis gamit ang walis tambo sa labas ng gusali ng madaling araw. Nakayuko ito at ang damit ay parang damit kapag nagtatanim ng palay.

Kinilabutan kaming lahat at sinabihan ang driver na magmabilis subalit sa bigat na karga ng sasakyan ay pagdarasal na lamang ang tanging naiusal sa sarili. Sinabi ng aking kahawak kamay na ipikit na lamang muli ang mga mata hanggang makalampas sa Oblation. Hindi ko iyon nagawa sa sobrang kaba at alam ko sa sarili na sa bawat kwentong ipinasa sa atin ay maaaring may katotohanang hindi maitatanggi katulad na lamang ng naging karanasan.

Matapos noon ay hindi ko na muling inulit sa loob ng 5 taon ang mag-stay hanggang madaling araw sa Unibersidad. Iniwasan ko na rin ang maiwan ng walang kasama hindi dahil natatakot ka sa mga elementong ito kung hindi dahil baka hindi kayaning maging midyum ng kung anumang mensaheng nais nitong iparating sa mga pinagpakitaan. Sa totoo lang may mensahe man ito o wala ang mas mahalaga'y minsang nabuksan pa ang isip namin sa mga ganitong uri ng katotohanan.





SOURCE

OKA TOKAT! GHOSTS AT THE PARTY

Sunday, May 6, 2012

OKA TOKAT! KEYHOLE




This is a story told to me a long time ago. It happens in a large university known for its old buildings that were said to be from the pre-war era (refraining from mentioning the name here). 

The old library of one of the buildings had an old painting of a woman, the image of which was said to walk the grounds at night. 

One time a student requested permission to do an overnight research in the said library. Permission was granted by the administration. The story of the ghost from the painting was said to be known amongst the students, faculty and administration that time. As the young man entered, he presented his permit and inquired from the security guard:

"Tutoo ba yung multo diyan? Kasi mag-oovernight po ako sa library. Kailangan ko mag-research eh."

"Naku basta pag may narinig ka huwag mong papansinin, at huwag ka nalang lalabas ng library", said the Security Guard, obviously used to the strange noises from his nightly checks of the building. 

The student proceeded and did his research. It must have been past midnight when he heard the sound of clanging chains on the floors of the building. They seemed to be nearing the library door entrance which at that time was closed. 

The sound of the chains seemed to move closer and closer. Perhaps a skeptic, the student proceeded to move near the door. Remembering the advise of the guard not to leave the library no matter what, he bent down and took a peek into the old keyhole of the library door (perhaps it was the old doors where one could see through the other side if one peeped through the keyhole). He saw nothing but "red". 

That morning with his research done, the young man passed the guard who smiled at him and said: "O kamusta research mo? Ala ka bang naramdaman diyan?" The guard said with a naughty smile on his face. 

"Okay naman po. Tapos ko ang research. May mga narinig lang akong kumakalampag na mga kadena kagabi. Pero di ako lumabas nang library eh. Kaya wala naman akong nakita. Wala rin naman nagpakita." 

"Ah..eh di okay", the guard replied. 

Then the student asked: "Eh ano bang itsura nung multo diyan? Yun ba yung nasa painting? Talaga bang lumalabas yun?"

The guard answered him:"Basta puting-puti lahat ang itsura. Pera ang mata PULA"

The student walked away with goosebumps and hair standing on his arms. For he remembered the "red" peeping back at him as he peeped through the keyhole the night he heard the ghost of that haunted the old building. 





SOURCE

OKA TOKAT! ANG KAMERA




Bata pa si Rico, hilig na niya ang kumuha ng mga litrato. May angking talento ang binata. Hindi lang niya masyadong nahubog dahil kulang ang kinikita ng pamilya niya. Nag-aral lang siya sa kanyang Tito na isang news photographer, pero hindi rin siya masyadong natutukan nito dahil palaging nasa duty ang kamag-anak, at kamakailan lang ay lumisan na ito.

Dalawa lang na magkapatid ang tatay ni Rico at ang kanyang tito. Hindi sila nagkaanak ng maybahay, kaya si Rico ang paborito nito. Kaya paglisan nito, kay Rico iniwan halos lahat ng kagamitan nito sa kanyang trabaho. Isang malaking koleksyon ng mga kamera at mga gamit dito.

Sa lahat ng iniwan sa kanya, ang naging paborito niya ay ang DSLR,  isa sa mga unang henerasyon ng digital camera na nabili ng tito niya. Kahit luma, kumpleto naman ang accessories nito at tila ay hindi pa nagagamit. Maliit nga lang ang memory kaya ito'y agad niyang pinalitan.

Una niyang ginamit ito noong nakaraang taon sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang Tito. Dumalaw ang kanilang pamilya sa puntod nag lumisang kamag-anak. Malawak ang sementeryong kanyang pinaglibingan. Isang magandang lugar upang pagpraktisan ang kanyang bagong laruan.

Habang kukunan niya ang kanyang mga kapatid, ay may nasilip si Rico sa lente ng kanyang camera. Isang lalaking nakaharang sa kanyang kukunan. Tiningnan ni Rico agad ang mama, kung umalis na ito, pero wala naman siyang nakita.

Sinilip niya  ulit ang lente. Ang lalaki ay nakatabi na sa kanyang ina. Walang emosyon na nakatingin lang sa kanila.

"Excuse me po!" sigaw ni Rico sa lalaki habang nakatingin sa lente.

Hindi gumagalaw ang lalaki.

Naasar si Rico sa hindi pagsunod ng estranghero kaya't tiningnan niya ulit ang lalake. Pagtingin niya sa pamilya, ay wala ang mama na kinakausap niya. Tumingin ito sa paligid, ngunit sila lang ang tao sa sementeryo.

Sumilip ulit si Rico sa kanyang camera, at nandun, nakatingin sa kanya ang mama. Agad niyang kinunan ng litrato ang multo, pero nang sinilip sa viewer, ay pamilya niya lang ang nanduon.Sa muling pagsilip ni Rico sa lente, ang lalaki ay naruon pa rin. Palapit na sa kanya.

Nabitiwan ng binata ang camera. Nang tanungin siya ng pamilya, ang sabi lang nito'y naubusan na ng baterya ang kamera.

***********
Itinago agad ni Rico ang kamera sa kanyang kwarto. Ayaw na muna niyang galawin ang ipinamana ng Tito. Agad niyang tinawagan ang kabarkada niyang sinasabi nilang may taglay na "third eye." Ipinaliwanag sa kaibigan ang sitwasyon at niyaya para ipakita ang kamera.

Dahil sadyang maraming ginagawa, umabot ng dalawang linggo bago nakapagkita ang magkaibigan. 

Pagpasok pa lang ng dalaga ay may kakaiba na agad itong napansin. Wika niya'y tila may mabigat na mararamdaman pagpasok pa lang sa tahanan. Ngayon lang daw niya ito naramdaman.

Nang hanapin ng kaibigan ang kamera, sinabi ni Rico na ito'y nasa kanyang kwarto. Niyaya ng binata ang kaibigan para maipakita ito.

Bawat hakbang ng dalaga patungo sa kwarto, lalong bumibigat ang nararamdaman nito. Magkahalong lungkot at takot ang bumabalot sa bahay ng kanyang kaibigan. Pakiramdam niya na mabilis umikot ang mundo. Nakakahilo. 

Malayo pa siya sa kwarto nang buksan ng kaibigan ang pinto.

Agad ay napatigil ang dalaga. Agad ding binalot ng takot ang katawan nito.

"Rico, s-s-sorry ngayon lang ako nakapunta dito," simula nito.

"Okay lang. Basta kung makakatulong ka..."

"Ibigay mo na yang camera," mabilis na payo ng kaibigan.

"Sa tingin mo yun lang ang pwede kong gawin?" tanong ng binata.

"Simula nung inuwi mo yan galing sementeryo, binuksan mo na ba ulit yung kamera?" tanong ng kaibigan.

"H-hindi pa. Maan, m-may dapat ba akong malaman?" habang sinasabi ni Rico ang kanyang tanong, ay agad din siyang nakaramdam ng takot. Nagtayuan ang mga balahibo nito sa katawan.

Hindi na nakasagot ang dalaga.

Agad agad ay kinuha nito ang kamera sa mesa, tinanggal ang takip at sinilip ang lente.

Hindi nakagalaw ang binata sa kanyang nakita. 

Puno ang kwarto niya ng mga kaluluwa ng mga namayapa. May babaeng  duguan. May mga batang gusgusin. May lalaking sunog ang kalahati ng katawan. May dalagang putok ang ilang parte ng katawan. Lahat sila nakatingin sa kanya.

Kahit na inalis ni Rico ang mata sa lente, alam niyang napapaligiran siya ng mga kaluluwa. Multo. Lahat sila palapit sa kanya.

Agad tumakbo palabas ng bahay ang magkaibigan. Sinalubong sila ng inang umiiyak at hindi matahan. 

"Rico, patay na ang Tita mo," sambit nito.

Napahinto ang dalawa. 

Isinumpa. Yan ang unang pumasok sa isip ng magkaibigan.





SOURCE