Madaling araw nang gisingin ako ng paghilab ng aking tiyan. Waring may naganap na digmaan sa loob ng aking tiyan at ngayon, ang mga bakas ay tila gustong humulagpos. Tila baga ang mga bakas na ito ng rebolusyon ay gustong kumawala at gustong maging malaya.
Nagsimula na ang epekto ng Laxatrol.
Hindi kanais-nais
ang lasa ng Laxatrol. Nang una kong uminom nito nang nagdaang gabi,
sabik pa naman akong matikman dahil orange flavor ito. Ngunit,
nang simulan ko na itong lagukin, gusto kong magprotesta at isuka. Para 
Sinubukan kong
matulog ulit dahil mahaba pa naman ang oras. Mga bandang ala-seis nang umaga ng
muli akong magising. Hindi na pwedeng kumain ng agahan at uminom ng tubig.
Kailangang malinis ang loob ng aking tiyan para sa gagawing barium
enema. 
Sakto lang nang
dumating ako sa St. 
Kumpara sa x-ray na
isinasagawa sa dibdib, pinahiga ako sa isang higaan. Sa gilid nito ay nakakabit
ang isang malaking makina. Habang ako'y nakahiga, sinimulan ang pagkuha ng
imahe gamit ang x-ray. Automatiko ang malaking makina sa pagkuha ng
imahe. Ang x-ray ay nasa itaas ko. Naisip ko lang na kung
sakaling malaglag ang nasabing makina habang ako'y nakahiga, ano kaya ang
mangyayari sa'kin. Mukha pa namang mabigat iyon.
Ilang minuto pa lang
nang makarating ako sa bahay, naramdaman kong kailangan kong magpunta ng
banyo. Sa ikatlong pagkakataon nang araw na ito, umepekto ang Laxatrol. 
Bago magtanghali,
naghanda ako para bumalik sa ospital. Bago rin ako umalis ng bahay, naramdaman
ko ang epekto ng Laxatrol sa ika-apat na pagkakataon.
 



No comments:
Post a Comment