Bata pa si
Rico, hilig na niya ang kumuha ng mga litrato. May angking talento ang binata.
Hindi lang niya masyadong nahubog dahil kulang ang kinikita ng pamilya niya.
Nag-aral lang siya sa kanyang Tito na isang news photographer, pero hindi rin
siya masyadong natutukan nito dahil palaging nasa duty ang kamag-anak, at
kamakailan lang ay lumisan na ito.
Dalawa
lang na magkapatid ang tatay ni Rico at ang kanyang tito. Hindi sila nagkaanak
ng maybahay, kaya si Rico ang paborito nito. Kaya paglisan nito, kay Rico
iniwan halos lahat ng kagamitan nito sa kanyang trabaho. Isang malaking
koleksyon ng mga kamera at mga gamit dito.
Sa lahat
ng iniwan sa kanya, ang naging paborito niya ay ang DSLR, isa sa mga
unang henerasyon ng digital camera na nabili ng tito niya. Kahit luma, kumpleto
naman ang accessories nito at tila ay hindi pa nagagamit. Maliit nga lang ang
memory kaya ito'y agad niyang pinalitan.
Una
niyang ginamit ito noong nakaraang taon sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang
Tito. Dumalaw ang kanilang pamilya sa puntod nag lumisang kamag-anak. Malawak
ang sementeryong kanyang pinaglibingan. Isang magandang lugar upang
pagpraktisan ang kanyang bagong laruan.
Habang
kukunan niya ang kanyang mga kapatid, ay may nasilip si Rico sa lente ng
kanyang camera. Isang lalaking nakaharang sa kanyang kukunan. Tiningnan ni Rico
agad ang mama, kung umalis na ito, pero wala naman siyang nakita.
Sinilip
niya ulit ang lente. Ang lalaki ay nakatabi na sa kanyang ina. Walang
emosyon na nakatingin lang sa kanila.
"Excuse
me po!" sigaw ni Rico sa lalaki habang nakatingin sa lente.
Hindi
gumagalaw ang lalaki.
Naasar
si Rico sa hindi pagsunod ng estranghero kaya't tiningnan niya ulit ang lalake.
Pagtingin niya sa pamilya, ay wala ang mama na kinakausap niya. Tumingin ito sa
paligid, ngunit sila lang ang tao sa sementeryo.
Sumilip
ulit si Rico sa kanyang camera, at nandun, nakatingin sa kanya ang mama. Agad
niyang kinunan ng litrato ang multo, pero nang sinilip sa viewer, ay pamilya
niya lang ang nanduon.Sa muling pagsilip ni Rico sa lente, ang lalaki ay naruon
pa rin. Palapit na sa kanya.
Nabitiwan
ng binata ang camera. Nang tanungin siya ng pamilya, ang sabi lang nito'y
naubusan na ng baterya ang kamera.
***********
Itinago
agad ni Rico ang kamera sa kanyang kwarto. Ayaw na muna niyang galawin ang
ipinamana ng Tito. Agad niyang tinawagan ang kabarkada niyang sinasabi nilang
may taglay na "third eye." Ipinaliwanag sa kaibigan ang sitwasyon at
niyaya para ipakita ang kamera.
Dahil
sadyang maraming ginagawa, umabot ng dalawang linggo bago nakapagkita ang
magkaibigan.
Pagpasok
pa lang ng dalaga ay may kakaiba na agad itong napansin. Wika niya'y tila may
mabigat na mararamdaman pagpasok pa lang sa tahanan. Ngayon lang daw niya ito
naramdaman.
Nang
hanapin ng kaibigan ang kamera, sinabi ni Rico na ito'y nasa kanyang kwarto.
Niyaya ng binata ang kaibigan para maipakita ito.
Bawat
hakbang ng dalaga patungo sa kwarto, lalong bumibigat ang nararamdaman nito.
Magkahalong lungkot at takot ang bumabalot sa bahay ng kanyang kaibigan.
Pakiramdam niya na mabilis umikot ang mundo. Nakakahilo.
Malayo
pa siya sa kwarto nang buksan ng kaibigan ang pinto.
Agad ay
napatigil ang dalaga. Agad ding binalot ng takot ang katawan nito.
"Rico,
s-s-sorry ngayon lang ako nakapunta dito," simula nito.
"Okay
lang. Basta kung makakatulong ka..."
"Ibigay
mo na yang camera," mabilis na payo ng kaibigan.
"Sa
tingin mo yun lang ang pwede kong gawin?" tanong ng binata.
"Simula
nung inuwi mo yan galing sementeryo, binuksan mo na ba ulit yung kamera?"
tanong ng kaibigan.
"H-hindi
pa. Maan, m-may dapat ba akong malaman?" habang sinasabi ni Rico ang
kanyang tanong, ay agad din siyang nakaramdam ng takot. Nagtayuan ang mga
balahibo nito sa katawan.
Hindi na
nakasagot ang dalaga.
Agad
agad ay kinuha nito ang kamera sa mesa, tinanggal ang takip at sinilip ang
lente.
Hindi
nakagalaw ang binata sa kanyang nakita.
Puno ang
kwarto niya ng mga kaluluwa ng mga namayapa. May babaeng duguan. May mga
batang gusgusin. May lalaking sunog ang kalahati ng katawan. May dalagang putok
ang ilang parte ng katawan. Lahat sila nakatingin sa kanya.
Kahit na
inalis ni Rico ang mata sa lente, alam niyang napapaligiran siya ng mga
kaluluwa. Multo. Lahat sila palapit sa kanya.
Agad
tumakbo palabas ng bahay ang magkaibigan. Sinalubong sila ng inang umiiyak at
hindi matahan.
"Rico,
patay na ang Tita mo," sambit nito.
Napahinto
ang dalawa.
No comments:
Post a Comment